Huwebes, Hunyo 7, 2018

SINO ANG TAONG NAKA-MASKARA?

Sino nga ba si Edrick Salcedo na kilalang bumabatikos sa mga peke at anomalya sa mundo ng paranormal? Maraming pangalan ang ginagamit nito at hindi mabatid kung pawang alias o codename lamang ang mga pangalang ito? Matalim magsalita at prangkahan kung bumanat. Napapaisip tuloy ako kung anong klaseng tao ito. May kabig bawat salita at mababanaag ang taglay na dunong. Hindi mabatid kung hanggang saan ang hangganan ng kapasidad. Anti-charlatan ang advocacy nito. Napaisip tuloy ako na baka sya din yung Atrum Incognitus na dummy account pero base sa pananaliksik ko ay magkaiba sila. Marami ang naghahangad na makita ang tunay na anyo nito subalit walang nagtagumpay liban lang sa mga taong pinagkatiwalaan nya. Ang iba ay walang kopya ng larawan at ang iba ay meron subalit walang lumabas na larawan. Hacker ba ang taong naka maskara dahil pang hacker ang gamit na maskara? O dahil sadyang anonymous lang sya? May mga tsimis na lumabas laban sa kanya pero walang maipakitang ebidensya. Pinaratangan na manyakis pero walang maipakitang ebidensya, pinaratangan na peke pero walang maipakitang ebidensya. At dahil walang makitang kasiraan ay binabantaan na ang kanyang buhay para mapa tahimik dahil sa dami ng nalalaman. May mga nagtangkang bumarang at kumulam at kung anu-ano pa subalit walang tumalab. Wow! Sino ka nga bang talaga? Kung may pagkakataon ay ikinagagalak kong interviewhin ka kung iyong pauunlakan.

1 komento: