Ang BLOG na ito ay hango sa ibat-ibang lihim na kaalaman at aklat.Ginawa ito upang magbahagi sa ikagagaling at hindi sa pananakit sa kapwa.Gamitin sa tama na may malaking takot sa DIOS na syang may likha at may-ari ng lahat. AD MAJOREM DEI GLORIAM ALPHA ET OMEGA
Huwebes, Hunyo 7, 2018
MANYAKIS SA PARANORMAL GROUP
Manyakis,Hokage,etc at kung anu-ano pang katawagan ang nagkalat kahit saan. Subalit pati sa mundo ng paranormal (paranormal field) ay may mga manyakis din. Kamakailan lang ay habang nagba-browse ako ng mga groups at pages sa paranormal ay may nakita akong post na patungkol sa isang manyakis. And estilo ng manyak na ito ay mahilig sumali sa mga paranormal groups na may meet up at event. Magsusubaybay sa mga myembrong magsisidalo at humahanap ng target na babaeng bagets o millenials. Mag aanyong TUPA sa kabaitan ang naturang manyak upang makuha ang loob ng bibiktimahin. At pag nakuha na ang loob ng biktima ay KALBARYO na ang kasunod dahil unti-unti ng lilitaw ang tunay na kulay ng manyakis. Ang manyak na ito ay may asawa at anak na. Pag nabuko ay sasabihin na silay hiwalay na at hindi na nagsasama. Subalit hindi nya sasabihin na sila pala'y kasal. At kapag muli mong nalaman na kasal na pala ay biglang ipapangako ng magpa-FILE kuno ng diborsyo o annulment para mang uto sa biktima. Ang pangalan ng manyak na ito ay itatago ko ang ilang letra ng pangalan. Sya si M****EL L*S*A*A na taga Calamba Laguna. Salamat sa mga taong nagbigay sakin ng iba pang impormasyon ukol sa kanya. Kaya mga kaibigan,kung kilala nyo sya ay bigyang babala nyo ang inyong mga kaibigang babae lalot mga millenials dahil delikado ang taong ito na ginagamit ang paranormal field sa kamanyakan nya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento