Huwebes, Hunyo 7, 2018

OIL-BULARYO

Oil-bularyo - isang bagong katawagan sa langis na di umanoy nakakapag-pagaling ng samut saring sakit. Kilala ito bilang scented oil na tinitimpla ng mga marurunong sa negosyong ito. Maraming mga kung anu-anong mga patotoo kuno sa langis na ito na kapag ipinahid lang at nalanghap ay gagaling kana sa mga sakit tulad ng pananakit ng ulo,stress,pagod. May kaung anu-ano ring pangalan na kalakip ang mga langis na ito,depende sa kung saan gagamitin. Merong parang pang gayuma,pampa swerte,pangtaboy ng kaaway,pang taboy ng tsismosa, Pampaamo at napakadami pang iba.

Ang sarap pakinggan ng mga patotoo at kwento nila,lalo na nung nagtitinda para maengganyo kang bumili sa kalakal nila. Aba! kaibigan,bago ka sana bumili ay idilat mo ang mata mo sa katotohanan. Simple lang... sa dami ng mga pinagsasabi nila na nagagawa ng langis na yan eh bakit ayaw nilang dalahin sa ospital yun? Bakit ayaw irekomenda ng mga doctor ang langis gayong ito pala ay lunas kuno sa mga sakit at karamdaman?

May mga tao o grupo sa facebook ngayon ang nagnenegosyo ng mga naturang langis. Iniuugnay sa paranormal na kesyo epektibo kuno ang langis nila. Madaming mga naloko at napaniwala. Mukhang nakalimutan na yata ng mga taong ito ang kapangyarihan ng AGHAM na syang pangunahing sagot sa mga karamdaman. Ang ipinupunto ko dito ay kung sakit na pang pisikal ay bakit kelangang pahiran ng langis na ito na di umanoy lunas daw? May mga available drug sa tindahan na hindi naman harmful tulad ng paracetamol,ibuprofen etc para malunasan ang simpleng pananakit ng ulo o pagod. Ano't ibinibida nila ang langis na ito? Simple ang sagot.... NEGOSYO!

At anong kalokohan nanaman na nakapagtataboy ito ng tsismosa? Bakit amoy tae ng pusa ba yung langis kaya lalayuan ka ng tsimosa or kaaway? At saan napulot na kalokohan na pampaamo ito? Bakit hindi mapaamo yung kaaway nila at katakot takot na batikos ang inaani nila? Mag isip na kayo mga kaibigan. Langis lang ng niyog ay napatunayan na ng mga doctor na epektibo sa sakit sa balat,pananakit ng katawan,pwede ring gamot sa nalalason,panghilot,at madami pang iba. Ang puno ng buko ay tinatawag na TREE OF LIFE dahil mula ugat hanggang dahon ay magagamit mo sa maraming paraan. Walang binatbat yung langis na ibinebenta nila na gawa sa kemikal na sagana sa pambobola para bumenta. Wag kayong magpauto sa mga taong nagbebenta ng ganung oil (scented oil).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento