Huwebes, Mayo 28, 2015

SAN BENITO (ST.BENEDICT)


PODER SA MAY TAGLAY NG
MEDALYON NI SAN BENITO

San Benito (St Benedict)
Ang San benito ay kilala bilang isang mabisang pangontra sa masasamang espirito,kulam,barang,palipad hangin,engkanto at iba pa. Ginagamit din ito bilang proteksyon sa bala ng baril (liwas bala).
Madaling mapagana ang medalyon nito na kelangan mo lamang debosyunan sa loob ng 49 days na walang patlang sa pamamagitan ng orasyon na kaakibat nito. Ang pagdedebosyon ay uumpisahan sa unang byernes ng buwan na mapipili mong mag umpisa. Matapos ang 49 days na walang patlang ay aalagaan mo ito ng dasal na basag sa harap at sa likod ng medalyon tuwing araw ng byernes bilang pakain. Pwede rin ang dalawang beses kada buwan kung sadyang napaka busy mong tao. Wag din kalimutan isimba mo ito sa araw ng linggo.Pwede ring pahiran ng holywater.
Napakaraming gamit ng medalyon na ito kung iyong tutuklasin. Magagamit mo ito bilang exorcsismo sa sinasaniban ng demonyo o masamang elemento. Magagamit din ito bilang panggamot sa naeespirito o nabati ng di nakikitang nilalang.

Narito ang orasyong dapat usalin sa pagdedebosyon nito:
Magdasal ng..
1-Ama Namin
1-Aba ginoo
1-Sumasampalataya
Isunod ito:
SALUMTUM MUNDI SAMISANA UTIHIC
VIVIT REX SELIM MURO MEUM HILELETATEM
JESUS JESUS JESUS JERUSALEM
PLOMUV PLECULETIAN PERTATUM
PETULAM PERDATUM
EL PROBATUR SALUTARE
SANCTA MARIA EGOSUM PACTUM
HUM EMOC GEDOC DOC
GUATNI SICUT DEUS EXENIHILU
SANCTUS BENEDICTUS MONACH
OCCID PATRIARCH PAX
JOTA JETA SIGMA
JESUS HOMINUM SALVATOR
CRUX MIHI REFUGIUM
CRUX SANCTA MARIA YSOSALIME
CRUX SUAMBIT PECABIT
CRUX ESGUAM SEMPER ADORO
CURX DOMINI MECUMCRUX SANCTI PATER BENEDICTI
CRUX SACRA SIT MIHI LUX NON DRACO SIT MIHI DUX
VADE RETRO SATANA NUN QUAM SUADE MIHI VANA
SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VENENA BIBAS
PER CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM
PATER ADONAI X-UM-UM-US (SUCCUMMUX)
SALVA ME, SANCTI ESPICO, AYUDAD ME.

Eto naman ang basag o letra na nasa harap ng medalyon:
CRUX SANCTI PATER BENEDICTE
CRUX SACRA SIT MIHI LUX
NON DRACO SIT MIHI DUX
VADE RETRO SATANA NUN QUAM SUADE MIHI VANA
SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VINENA BIBAS

Eto naman ang basag o letra na nasa likod ng medalyon:
CRUZ SACRA PATRIS BENEDICTE
CHRISTUS SALVATOR SACERDOS MONS LAPIS
NICAS DOMINUS SABAOTH MAGISTER DEUS
VERITAS REDEMPTIO SAPIENTA
NAZARENUS SOL MESSIAS VIA
SPONSUS MEDIATOR QUASSATUS LEO
IESUS VERBUM BROTUS.

Ito naman ang susi na babanggitin mo na pang mabilisan sa oras ng panganib:
Agnus Dei, qui tollis peccáta mundi, miserére nobis.
Agnus Dei, qui tolis peccata mundi, miserere nobis.
Agnus Dei, qui tollis peccáta mundi, dona nobis pacem.

------------------------------END----------------------------------

Ang medalyon ay nag iinit kung may paparating na panganib o di kaya'y pumipintig. Umiinit din ito tuwing pinapakain ng dasal.
Hawakan ng kanang kamay sa tuwing pakakainin ng dasal ang san benito kasunod ng ihip sa medalyon.
Sa mga mag uumpisang buhayin ito ay wag kalimutang pabasbasan sa pari o sa lehitimong antingero ang medalyon.
Wag basta maniwala sa mga nagpe presinta at nag aalok ng kanilang serbisyo dahil peperahan lang kayo ng mga yan na kunwari eh may nalalaman sila. Wag din basta magtitiwala kahit kilala sila sa facebook na nag aanting-anting. Karamihan sa mga yan ay matagal na sila sa facebook pero mga charlatan at mang gagancho lang.
NOTE: DEBOSYUNAN NG 49DAYS NA UUMPISAHAN SA UNANG BYERNES NG KAHIT ANONG BUWAN.
MATAPOS MA-DEBOSYUNAN AY KADA MARTES AT BYERNES NA LANG ANG PAGDARASAL NG NASA ITAAS NA ORASYON.MAS MABUTING PAHIRAN NG HOLY WATER ANG MEDALYON KAPAG NAGSISIMBA SA ARAW NG LINGGO.H'WAG KALIMUTAN NA HAWAKAN SA KANANG KAMAY ANG MEDALYON HABANG DINADASAL ANG ORASYON.

108 komento:

  1. Yung medalyon po ba ng san benito san po makakabili.. Taga cebu kc ako at baka po may alam kayong bilihan dto po sa cebu.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ano po ba ibig sabihin nyo po nungdebosyonan ng 49 days na walang patlang

      Burahin
    2. Sa religious store Ng simbahan madami po

      Burahin
    3. maari po bang makapag gamot ang taong may san benito?

      Burahin
    4. Kung gusto mo magkaron ay maari kitang bigyan.

      Burahin
    5. maari ko po bang hingin ang iyong pahintulot na kopyain ang mga isnulat gagamtin ko lamang pong pang debosyon salamat po.

      Burahin
  2. makakabili ka nyan sa mga simbahan. meron din sa mga religious stores sa loob ng mall o kahit saang religious store. dito manila ay napakaraming mabibilhan nyan.

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. maraming salamat sa pag share... pede ba kitang makausap?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wala po yung para sa harapan at likuran na dasal???

      Burahin
    2. Maraming salamat po nalaman ko ang aahat na katotohanan tumugon....isa po ako sa naniniwala sa lihim ng kakayahan...

      Burahin
    3. Kapatid paliwanag nyu naman po kung panong magdebosyon una po ng byernes ng buwan tapos ano po ang sunod araw araw na po ba ang pagdebosyon?o every friday lang po?

      Burahin
    4. Ano po ibig sabihin Ng basag? Basagin ko ba ang harap at likod?

      Burahin
    5. hahahhahaha ung basag ng kapangyarihan nya
      bobi

      Burahin
  5. Wala po bang oras ang pagdadasal ng orasyon?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pwede daw kahit anong uras basta orasyunan nyu po sa isa sa umga at isa sa gabi basta hindi ka aabut ng alas 12 ng gabii

      Burahin
  6. Marunong po ba kau mang gamot ng ginagaway?sna po masagot nyu po ako

    TumugonBurahin
  7. Kapag natapos na po ba kapatid na dasalan sa loob nang 49 days, tuwing kelan ulit ito dadasalan o papakainin? Maraming salamat po.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. martes at biyernes nalang daw po nakalagay po dyan

      Burahin
    2. kahit po kruz lng na kwintas pag ppakainin nyo ng dasal ni san benito same lang tin po ang bisa nito sa kruz nyo..

      Burahin
  8. Pwede po bang hindi na dasalan ang st benedict medallion

    TumugonBurahin
  9. Panguntra po ba Ito sa lahat ng masama...

    TumugonBurahin
  10. Ipabless po ninyo sa pari ang inyong San Benito at hindi sa ganyang orasyon.. Ang mga orasyon at paggamit ng Anting - anting sa katuruan ng Simbahang Katolika ay mga paganong gawain. Ito ay nakakapanlinlang sapagkat inaakala nating iniaalay natin ang panalangin sa Diyos ngunit nagiging makasarili na lamang. Buhay ang medalyon kung may espiritu kayong tinawag upang tumira doon at hind iyon galing sa Diyos, espiritu iyon ng mga pinababang anghel sa langit na gustong sirain ang relasyon ng tao sa Diyos upang siya ay masaktan. May the Blessed Virgin Mary always enfold you and your family under the mantle of her love and protection. God bless you all!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naiintindihan mo ba iho ang mga pinagsasabi mo? Ano ba ang pagkaka intindi mo sa orasyon? Hindi bat ang santo papa sa roma ay nag lalatin at nag oorasyon din? nauunawaan moba na ang CSPB sa saint benedict ay mismong Santo papa sa roma ay dinadasal din na ang ibig sabihin ay Crux Sancti Pater Benedicte? Hindi bat santo papa sa roma ang nagturo nyan? Anong kahibangan ang mga pinagsasabi mo na sa demonyo yan? Aral ka po muna kapatid bago ka kumuda para hindi ka mapapahiya. :D

      Burahin
    2. Truth walang alam kase ganyan talaga maestro may mga taong makitid ang isip

      Burahin
    3. Boss Jerome Salvador tanong ko lang hindi bat tao lang din naman ang mga pari at santo papa? Hindi po sila diyos sila man ay nagkakasala din. Nasa pananampalataya din yan at taos pusong pagdarasal kung talagang naniniwala ka, kalinisan ng puso din ang tinitingnan doon at kapatawaran sa kapwa. Lahat tayo ay may kakayahan na magdasal hindi naman ibig sabihin na kung simpleng tao ka lang wala ng kakayahan na magdasal o blessings para humingi ng proteksyon sa ating panginoon. Wala pong diyos sa kalupaan. Salamat po isang pagliliwanag lang.

      Burahin
  11. Approved Blessing
    of the Medal of St. Benedict

    Medals of Saint Benedict are sacramentals that may be blessed legitimately by any priest or deacon -- not necessarily a Benedictine (Instr., 26 Sept. 1964; Can. 1168). The following English form may be used.

    V. Our help is in the name of the Lord.
    R. Who made heaven and earth.

    In the name of God the Father + almighty, who made heaven and earth, the seas and all that is in them, I exorcise these medals against the power and attacks of the evil one. May all who use these medals devoutly be blessed with health of soul and body. In the name of the Father + almighty, of the Son + Jesus Christ our Lord, and of the Holy + Spirit the Paraclete, and in the love of the same Lord Jesus Christ who will come on the last day to judge the living and the dead, and the world by fire.
    Amen.

    Let us pray. Almighty God, the boundless source of all good things, we humbly ask that, through the intercession of Saint Benedict, you pour out your blessings + upon these medals. May those who use them devoutly and earnestly strive to perform good works be blessed by you with health of soul and body, the grace of a holy life, and remission of the temporal punishment due to sin.

    May they also with the help of your merciful love, resist the temptation of the evil one and strive to exercise true charity and justice toward all, so that one day they may appear sinless and holy in your sight. This we ask though Christ our Lord.
    Amen.

    The medals are then sprinkled with holy water.

    TumugonBurahin
  12. ang sakramental ay mga banal na bagay na pinaging banal ng panalangin ng Simbahan, ngunit tuwing gagamit tayo nito, ito ay mga paalaala lamang sa atin ng presensya ng Diyos, ngunit wala itong bisa sa sariling kapangyarihan...

    Ang agimat ay iba, ang mga gumagamit nito ay nagtitiwala sa mga dasal o orasyon na nakapaloob dito at nagtitiwala sila sa bisa ng mismon agimat kesa sa kapangyarihan ng Panginoon, kaya idolatry na ito dahil mas nagtitiwala ka sa materyal kesa sa Panginoon...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. iyan ay sarili mona lamang na pakahulugan at paniniwala. alam namin yan at hindi ganyan ang isip namin na kagaya ng isip mo. malayong -malayo. kung wala kang nalalaman ay mas mabuting manahimik kana lamang dahil ikaw lang din ang nagmumukhang mangmang sa mga sinasabi mo

      Burahin
  13. ang sakramental ay mga banal na bagay na pinaging banal ng panalangin ng Simbahan, ngunit tuwing gagamit tayo nito, ito ay mga paalaala lamang sa atin ng presensya ng Diyos, ngunit wala itong bisa sa sariling kapangyarihan...

    Ang agimat ay iba, ang mga gumagamit nito ay nagtitiwala sa mga dasal o orasyon na nakapaloob dito at nagtitiwala sila sa bisa ng mismon agimat kesa sa kapangyarihan ng Panginoon, kaya idolatry na ito dahil mas nagtitiwala ka sa materyal kesa sa Panginoon...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. lawakan mo pagiisip mo kuya?
      mas ok ng wag kana lang magcomment ng kung ano ano napapahiya ka lang sa iba.
      sa mundo ng espiritual walang puwang ang kababawan ng paniniwala..
      hnd basihan ang salita tandaan mo bale wala ang salita kung hnd mo alam ang malalim na kahulugan katulad ng diyos ama na may likha ng lahat.
      diyos salita lang sya pero malalim ang ugnayan sa tao.
      kaya sana bago ka magcomment dapat sapat ang kaalaman mo.
      wala naman nagsabi na mali ang comment mo pero may kulang ito yan ang hanapin mo mismo sa sarili mo.
      pax christi

      Burahin
  14. Pahinge nga po ng dasal ng matat berhen please...

    TumugonBurahin
  15. Ung mata JC JC JC at ung nag papasusong birhen

    TumugonBurahin
  16. Sa isang araw po ba isang beses lng po ba dadasalin ung dasal para sa medalyon ni st.Benedict po at my oras po ba ito dpt sundin? salamat...

    TumugonBurahin
  17. Ano po yung dasal para sa medalyon na ROMA Trespico Solo Mata?

    TumugonBurahin
  18. Kailangan po bang isa ulo pa ang mga dasal o pwding basahin na lang ??
    Thnks po.

    TumugonBurahin
  19. Aq miron din medalyon ni san Benito may kabilaang basag at may cruz na kabilaang din bigay sakin ng amo q na antingiro..Lahat sila na pamilya mga antingiro ..

    TumugonBurahin
  20. Ako po may nkuhang medalyon ng st.beneto sa bahay na nilipatan ko at kusang dumating Lang po ito.. Nikita ng anak ko at ibinigay sakin. Para po ba ito sakin.. .

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pano ko pomahahawakan habang dndasalan ko binalot ko ng pulang tela at bngyan ko mga anal at asawa ko medalyon n nka lafay n po sa telangpula pag dadasalan po n kailangan po bmg tanggalin nmn sa telang Pula salamat po at st.fri. lng po b Ang orasyon hnggang matapos Ang 49 days salamat po

      Burahin
  21. Sir khit anong oras pwedi po gawin yong orasyon alas dose po ng tanghali pwedi po un bsta araa ng martes at biyernes salamat sa sasagot s aking tanong

    TumugonBurahin
  22. Ako ay isang may tangan ng santo benito totoo ay subok ko na ang taong buo ang paniniwala sa dios ama ay gagabayan. Sa bawat lugar na akin pupuntahan

    TumugonBurahin
  23. Sir yung sa last part po ba ng ora ng basag sa likod yun po ba ay " Verbus Brotus" or Verbum Bostrus.salamat po sa tutugon

    TumugonBurahin
  24. Sir ano po ang susi ng isang mata may 3 a sa gilid plss po gusto ko pong malaman

    TumugonBurahin
  25. Meron ho akong nabiling medalyon ni St Benedict pero bakit ho magkaiba sa medalyon ninyo? kasi ho ung nabili ko mag katulad lng ho ang design harap at likod ng medalyon ay si Dt Benedict wala po yong likod tulad na sa inyo?

    TumugonBurahin
  26. pano po kaya pag pamana n ung midalyon,,, matagal n panahong d napapakain ng dasal.. pano pong gagawin?????

    TumugonBurahin
  27. mas maganda sana kung may translation po yung mga latin na yun para alam rin namin kung ano ba mga dinadasal namin

    TumugonBurahin
  28. Yan na po ba.ang buong ggawen.na dasal sa loob ng 49 days.na pgkakasunod sunod.

    TumugonBurahin
  29. May alok sa akin ng sinturon n may mata at mga orasyon
    Then nang other day un medalyon n bao n may isang mata n may nka ukit n 5 vocales coronados at s likod nman un mata, May palaman dw un n bato balani at orasyon
    Ok n dw un gagamitin nlng ,proteksyon sa sarili
    Tama po ba un..?
    Ps
    Nag bayad ako ng 1500

    TumugonBurahin
  30. Natatakot po akong gamitin bka may kapalit
    Gaya ng nabasa ko sa mga orasyon ng 5 vocales Coronado's

    TumugonBurahin
  31. kapag natapos mo ng idebosyon sa loob ng 49 days ang medalyon ni san benito,anong orasyon ang dapat ibigkas kong ikaw ay manggamot saiyong pamilya o sa sarili lamang at anong orasyon ang bibigkasin naman para maprotectahan ang sarili sa kahit anong masasamang elemento

    TumugonBurahin
  32. baka pwede ninyong bigyan ng mga kasagutan ang aming mga katanungan tungkol dito sa kong papaano namin magagamit ang bertud ng san benito sa panggagamot o sa mga taong di natin nakikita para maprotektahan ang ating mga sarili

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. minsan mas magandang tumahak ng isang daan na hnd mo alam ang patutungohan sa bawat madadaanan ay may matututonan sa bawat makakasalubong ay may aral na makukuha.
      magtiwala sa diyos ama dahil sya mismo ang magbibigay ng daan sayo kailangan mo lang magpatuloy para marating yun.

      Burahin
  33. magandang gabi po,paano po malalaman kung gumagana na yung medalyon ng san benito?

    TumugonBurahin
  34. Bakit di tau gumawa ng isang page para sa mga nag nanais na matoto mang gamot para mas lumawak ang kaalaman natin tungkol kay st. Benedic at mag kita kita tau ng personal? Para magabayan tau ng tama at mga tamang gawin

    TumugonBurahin
  35. Ilagagay nyo mga contact nyo sa facebook at bumuo tau ng samahan para lumawak kaalaman natin at mag tulungan pm nyo aq jb guzman un naka skate board para lang to sa mga seryoso at disidido

    TumugonBurahin
  36. Penta gram. Nais ko po sna mapansin nyo ang aking tugon. Mayroon po akong san benito gusto ko po buhayin o binyagan upang mgkaroon ng bisa. Sa oras ng panganib,sakuna o kasakitan ay magamit kya lang po sa dami ng nbasa ko halos mgkakatugma nmn po mga snsabi nyo. Ang porblema hindi ko po alam bigkasin o wikain ang mga orasyon ng tama,sa kadahilanang ito ay latin. Sana ma2lungan nyo po ako. More power god bless us

    TumugonBurahin
  37. Penta gram. Nais ko po sna mapansin nyo ang aking tugon. Mayroon po akong san benito gusto ko po buhayin o binyagan upang mgkaroon ng bisa. Sa oras ng panganib,sakuna o kasakitan ay magamit kya lang po sa dami ng nbasa ko halos mgkakatugma nmn po mga snsabi nyo. Ang porblema hindi ko po alam bigkasin o wikain ang mga orasyon ng tama,sa kadahilanang ito ay latin. Sana ma2lungan nyo po ako. More power god bless us

    TumugonBurahin
  38. Penta gram. Nais ko po sna mapansin nyo ang aking tugon. Mayroon po akong san benito gusto ko po buhayin o binyagan upang mgkaroon ng bisa. Sa oras ng panganib,sakuna o kasakitan ay magamit kya lang po sa dami ng nbasa ko halos mgkakatugma nmn po mga snsabi nyo. Ang porblema hindi ko po alam bigkasin o wikain ang mga orasyon ng tama,sa kadahilanang ito ay latin. Sana ma2lungan nyo po ako. More power god bless us

    TumugonBurahin
  39. May oras po ba itong kilangan sundin kung anung tamang oras lagi na para sa pagdasal ng medallion?

    TumugonBurahin
  40. Pwede Na magpoder Nito khit wlang medal

    TumugonBurahin
  41. Pag nasimulan na po ba magdebusyon ng byernes araw araw na po ba magddebusyon para mabuo ang 49days?
    Salamat po

    TumugonBurahin
  42. Ang agimat ay tulong sa tao lalo na sa ating mga kristyano dahil sa agimat nakakapagdasal taung madalas, maliban lang dun sa may black magic, madalang sa kristyano ang magdasal.

    TumugonBurahin
  43. Magandang araw po! Naipakita ko pa sa tatay ko ang dasal sa latin. gusto ko po sana malaman saan nakakabili ng dasal na nakaprint sa puting panyo para mairegalo ko tatay ko. Saan po kaya nakakabili? Salamat po!

    TumugonBurahin
  44. ano po ibig sabihin ng dasal na basag?

    TumugonBurahin
  45. after 49 days na po ba idadasal ang basag na dasal? at yan lang po pa ang idadasal every friday after 49 days? wala na po bng our father or hail mary and glory be?

    TumugonBurahin
  46. Gud pm po meron po ako binebentang medal ng saint benedict silver925 at ituturo ko po ang tamang pamamaraan kung pa ano mabubuhay ang medal sa mga intirisado po message nyo lang po ako sa aking facebook account n rommel agner hallig

    TumugonBurahin
  47. Matulungan po nyo kng pano ko po maoorasyo an Ang medalyon nlagay ko n po s telang Pula tatangalin ko po satela tiwi g dadasalan ko po binigyan ko rn po mga anal ko at asawa nlgay ko sa telang Pula tuwing 1st.fri po lng b Ang pag oorasyon sa medalyon hnggang matapos Ang 49 days

    TumugonBurahin
  48. ask lang po kung kelangan po ba sa pag oorasyon ay sa harap ng altar at may sinding kandila?

    TumugonBurahin
  49. Maestro ano tama na words sa huli sa basag sa likod botrus o brotus

    TumugonBurahin
  50. sir.. ang orasyon po ba sa kabal o liwas bala ay kaingan din po bang consagrahin salamat ppo sana matulongan nyo ako

    TumugonBurahin
  51. Hello po.. meron po ba kayo video nito kung pano simulan ng tamang dasal o orasyon? At kung pano po bigkasin ng tama ang dasal o orasyon?

    TumugonBurahin
  52. Kuya Sana matulungan nyo po ako kuya may san Benito po ako kuya Hindi ko po ito naumpisahan ng pag dedebosyon nasimulan ko ito ng poder sa may taglay ng San Benito at sinunod ko ang basag sa harap at basag sa likod ng medAlyon Mali po ba ang nigawa ko kuya turoan nyo po ako kuya kung anong dapat kong gawin kuya pag nag dedebosyon naman kuya dapat va hinahawakan ang medalyon kuya sana matulungan nyo po ako kuya salamat.po.

    TumugonBurahin
  53. Kuya Sana matulungan nyo po ako kuya may san Benito po ako kuya Hindi ko po ito naumpisahan ng pag dedebosyon nasimulan ko ito ng poder sa may taglay ng San Benito at sinunod ko ang basag sa harap at basag sa likod ng medAlyon Mali po ba ang nigawa ko kuya turoan nyo po ako kuya kung anong dapat kong gawin kuya pag nag dedebosyon naman kuya dapat va hinahawakan ang medalyon kuya sana matulungan nyo po ako kuya salamat.po.

    TumugonBurahin
  54. Pag mag dedebusyon po ba kailangan banggitin din ang susi?
    Salamat po god bless

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kylangan dn pi ba banggitin ang susi yan dn po kse tanung ko

      Burahin
  55. Pwede po makahingi ng kagaya po nito pang ATARDAR? Mapagoalang buhay po 🙏🙏🙏

    TumugonBurahin
  56. Sir gudpm po.my nabasa po aq sa fb na kapag pinapakain ng dasal ung st bndc medalion umiinit daw po at nanghihina ung taong gumagawa nun

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mali angpost nya. ang dasal ang pinapakain sa medalyon.
      hnd ka manghihina karamihan kase ng mga tao iniisip na ganun..
      maling paniniwala.
      pag hnd sapat ang kakayahan mo sa dasal na hinagawa mo mahihilo ka o manghihina kase hnd pa ito kaya ng antas mo pero habang nagdadasal ka araw araw mararamdaman mo na tumataas ang kakayahan mo pag napansin mo na malakas na ang pandama mo.

      Burahin
  57. Pwede ko po ba makuha ang pahintulot para kopyahin ang orasyon

    TumugonBurahin
  58. kapag po ba ng dedebusyon ng 49days kylangan dn po ba isunod lagi ang susi

    TumugonBurahin
  59. Kahit anong oras po ba gawin ang pag dedebusyon ,saka yung tinatawag na susi hindi n kasama sa ddebusyon.sana po magabayan nyo ako sa iba pang karagdagang impormasyon salamat po

    TumugonBurahin
  60. Mastermeron po ako binedict..gosto kopo pagabahin

    TumugonBurahin
  61. Master, nagsimula na po ako mag debusyon, poder at sambit ng orasyon pati susi, last 1st friday july2020, Pro dipa po napa bendisyonan, ok lang po ba master?

    TumugonBurahin
  62. MAG INGAT MAY MGA IBANG TALATA NA MALI ANG PAG TATYPE

    TumugonBurahin
  63. Maari po bang magpaturo ng lahat ng tungkol sa medalyon ng san benito? May katanungan din sana ako na naghahanap ng kasagutan.

    TumugonBurahin
  64. Sa akin galing sa Isang madre dito sa cebu.. At talagang napa blessed nila 😊🙏

    TumugonBurahin
  65. Pwede bang umpisahan ang debosyun kahit wala kapang medalyon ng san benito

    TumugonBurahin
  66. Magan araw po kapatid saan po makabili ng san Benito midalyon taga davao po ako.

    TumugonBurahin
  67. Tuwing anong oras po dapat gawin ang orasyon para sa debosyon na 49 days? Salamat po sa sagot

    TumugonBurahin
  68. meron po ako ng san benito.sir ang savi ng pinaggamutan ko iyon ang kailangan ko isuot sargado na daw po iyon tuwing martes at biyernes po ang pagpalain ng dasal.totoo po na nakakatulong sa pag gagamot lalo na sa may biglaan na nangailangan.gaya sa nabati.at nagamit kopo ito sa pagtulong salamat sa tulong ng diyos at sya ay gumaling.gusto kopo na matutu pa ng ibang orasyon para sa san benito.kailangan lang malalas ang paniniwala mo sa diyos.

    TumugonBurahin
  69. nagkaplit ata ang basag sa harap at sa likod

    TumugonBurahin
  70. bagohan lang po ako deto..asawa po ako sa may are ng clhpon po.gosto ko ng medalyon na st benidic po kahit maliit lang pang protection .at wala bang bawal kahit saan dalhin .ok lang bang na makita ng tao o kaya mga iteman hnde ba mawawala ang kapangyarehan ng st benedic.salamat ...po.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. May mga bawal din po Jan iwasan mo po ang bawal para po hindi manghina Ang tangan

      Burahin
  71. paano o po pg nawala ko yung unang binili kong san benedicto na medalyon, ok lng po ba na bumili ulit

    TumugonBurahin
  72. may ibang klase na medal na st benedict..yung ulo mismo ni st.benedict sa harap peros sa likod yung tulad ng common na medallion,ok lang po ba yun?

    TumugonBurahin
  73. Gadan tanhali po.mag kano poba san binoto.at ang aclat na latin

    TumugonBurahin
  74. san po nakakabili ng saint benedict medallion salamat po sa sagot

    TumugonBurahin