Martes, Mayo 26, 2015

ANG LIHIM AT HAYAG NA KARUNUNGAN NI JESUCRISTO

Ang Panginoong Jesucristo ay nagta-taglay ng dalawang uri ng karunungan, ito ay ang hayag (Ecclesiastical) at ang tago (Esoteric) na siyang ginamit Niya sa kanyang mga himala at kababalaghaan noong nandidito pa siya sa Mundo.
Maraming aklat na nagpapatunay sa buhay ng ating Panginoon Jesucristo, mga pangyayaring hindi nakasulat sa biblia. Kung tutuosin mas mahaba ang hindi nakasulat, ito ay labing-walong taon samantalang ang nakasulat ay mula noong Siya’y isinilang hanggang labing-tatlong taon gulang at naputol ito, bumalik ng Siya’y nagkaidad na tatlongpu at pagdating sa tatlongpu’t tatlong taon gulang siya’y ipinako na ng krus.
Ang tanong, itong labing-walong taon na nawawala sa biblia, ano ang ginagawa na ating Panginoon Jesucristo sa mga panahong ito? Bago natin tatalakayin yan, balikan muna natin ang pangyayari sa buhay na pinagmulan ng ating Panginoon.
Sa tagong karunungan ay naitala na ang mga magulang ng ating Panginoon Jesucristo ay nagmumula ng isang maliit na samahan ng mga Judio. Gaya rin sa mga panahon ngayon na ang mga Cristiano ay nagkabuklod-buklod subalit iisa ang pinaniwalaang Diyos. Ang maliit na samahang yoon ay pinamagatang ESSENNE at ang namumuno nito ay si Joseph ang tumatayang Ama ni Jesus. Sang-ayon ng kasaysayan ay hindi sila umabot ng isang libo sa dami. Sila’y nag-aaral ng mga tago na karunungan natutunan nila mula pa sa kanilang mga kanununuan subalit sila’y naniniwala rin ng mga doktrinang ipina-sunod ng mga pinuno ng mga Judio gaya ng mga batas na nagmumula sa mga Pariseo at mga saserdote.
Maliban sa mga doktrinang sinusunod nila mula sa mga Judio mayroon din silang doktrinang pansarili sang-ayon sa kanilang paniniwala bilang mg nasasakupan ng samahang ESSENNE. Si Maria na ina ni Jesucristo ay noong apat na taong gulang pa lamang ay ipinasok na sa isang pagsasanay at may kasama itong labing isang mga batang babae ay nagdaan ng mahirap na pagsubok, itinuturo sa kanila ang tamang asal, mga pag-uugali, lalong lalo na sa pagdadasal sa takdang oras. Ang pakay sa pagsasanay na ito ay paghahanda sa sinabi ng Diyos sa kanilang ninunong si haring David tungkol sa Misiyas na isisilang sa kanilang angkan.
Sa aklat ng lumang Tipan, 2 Samuel 7:13 ganito ang nakasulat: “SIYA ANG MAGTATAYO NG TEMPLO PARA SA AKIN, AT SA KANYANG ANGKAN MAGMUMULA ANG MAGHAHARI SA AKING BAYAN MAGPAKAILANMAN”, ang mga salitang sinabi ng Diyos doon kay haring bago ito mamatay, ang tinutukoy ng Diyos na magtatayo ng kanyang Templo ay si haring Solomon na siyang pumalit ng paghahari ni David at magmumula sa kanyang lahi ang maghahari magpakailanman na natutupad ito sa pamamagitan ni Jesucristo.
Sa wala pa ang ating Panginoon Jesus. Si Joseph noong panahon na yoon ay siyang namumuno ng isang maliit na samahang pinamagatang ESSENNE. Ang samahang ito ay isang kawan na nagmumula sa mga Judiyong di kilala sa lipunan o mga Judiyong nasa mababang antas ng susidad.
Dito bilang pinuno si Joseph, nagtuturo siya ng mga tagong karunungan ng Diyos (Esoteric) bilang gabay ng kanyang mga nasasakupan. Ang karunungang ito ay kanyang nasunod mula pa sa kanilang mga kanununuan buhat pa kay Abraham. Sa panahon ngayon ang mga taong nag-aaral ng mga tagong karunungan ay hindi kinikilala sa madla, ganoon din si Joseph noon mga panahon na iyon. Wala siyang salitang pinakinggan sa lipunan maliban sa kanyang mga nasasakupan lamang na siyang masugid na tagasunod sa mga doktrinang kanilang pinag-aralan.
Sa kanilang samahang ito si Joseph ang kinilalang propeta, sa paniniwala nila si Joseph ay Templo ng Diyos sa panahong yoon. Isang gabi si Joseph ay kinasihan ng Espirito at sinabihan siya na magpili ng 12 batang babae na may apat na taong gulang, at sinunod ito si Joseph, ginawa niya ang pagpili at isa na nito ay si Maria na siyang naging ina ni Jesus.
Ang 12 batang babae ay nagkaroon ng mga pagsasanay, (Training) itinuturo sa kanila ang wastong pag-uugali sa pagkilos, pananalita, pananamit, pagkain, pagdarasal at sa lahat ng bagay na ikakalugod ng Diyos, lalong lalo na sa tagong karunungan na siyang sentro ng mga pagsasanay na ito. Habang ang mga batang ito ay tinuturuan ng mga maraming bagay tungkol sa tagong karunungan, sila’y dinadaan sa maraming pagsubok sa pamamagitan ng eksaminasyon para malaman kung sino sa kanila ang pinakamagaling at matalino. Sa ilang taong pagsasanay na ito, lumalabas na si Maria ang laging nangunguna sa bawat pagsusuri at paligsahan na nagaganap.
Nang ang mga 12 batang babae ay nagkaedad na ng 12 taong gulang din, sa pamagitan ng panaginip si Arkanghel Gabriel ay nagpakita kay Joseph at nagsabi na si Maria ang nakapasa sa lahat ng pagsubok at pagsasanay, at dahil dito si Maria ang nakatakdang magsilang ng isang batang lalaki na siyang naging Mesias ng buong mundo si Kristo Jesus.
Sa edad ng 12 anyos si Maria ay nagpapatuloy ng pagsasanay subalit nag-iisa na lamang siya, hindi na kasali yong 11 batang kasama niya sa unang pagsasanay na nagaganap. Sa mga panahong ito iba na ang itinuturong pag-aaral dahil matataas na antas ng espirituwal na kaalaman ang kanyang pinag-aralan gaya ng pagpapasok ng espirito sa katawan ng material na tao (insertion) at papaano nakakausap ang mga ito. Ang lumang tipan sa aklat ni Ezekiel 2:2 bilang pagpapatunay na ang tao ay pwedeng papasukan ng Espirito ng Diyos ang katawan nito, ganito ang sbi: “KASABAY NOON, NILUKUBAN AKO NG KANYANG ESPIRITU AT ITINAYO AKO UPANG PAKINGGAN ANG KANYANG SASABIHIN.” At sa Pahayag 1:10 ganito rin ang sabi: “NOO’Y ARAW NG PANGINOON, KINASIHAN AKO NG ESPIRITU, AT NARINIG KO MULA SA AKING LIKURAN ANG ISANG MALAKAS NA TINIG NA PARANG TUNOG NG TROMPETA.” Ganyang ang nakasaad sa hayag na karunungan, ang Biblia.
Ang samahan ESSENNE ay mayroong lugar kung saan idinadaos ang kanilang pagdarasal, ang lugar na ito ay para sa kanila isang banal, ito’y malapit lang sa kanilang mga kabahayang gawa ng lupa at ipinaghalong abo upang maging matibay, ang lugar na ito ay tinawag nilang balbanera, ditto sila makipag-usap sa Panginoon sa panahon ng pangangailangan. Isang panahon si Maria mayroong kinatatakutan at siya’y nagtago sa lugar na ito, at habang siya’y nagtatago nagbanggit siya ng salitang ganito: “IGNE NATURA RENOVATOR INTEGRA OC ADONAI LIBERARI NOSTRI TRINITATIS DEI BALBANERA CUBRE SACUBE DEUS VIVAS” at pagkatapos mabanggit ang mga salitang yoon ay biglang nawala ang naramdaman niyang takot.

3 komento:

  1. Paano nalaman na ganoon nga ang dinasal ni Maria?

    TumugonBurahin
  2. Nais kopo sana malaman kung ano ang ure nang gamit o midalyon.na gamitin.kasama ang ure nang oraciong gagamitin para sa panggagamot.nais ko sana magpaturo sa inyo.maestro milam.pwd po ba.


    TumugonBurahin
  3. Samadilit salita si Maria ay hinirang ng Diyos ganoon po ba ton?

    TumugonBurahin