Martes, Mayo 26, 2015

ANG LIHIM AT HAYAG NA KARUNUNGAN

DALAWANG KARUNUNGAN NG DIYOS

ANG SANDAIGDIGANG TIRAHAN NG MGA NILALANG NG DIYOS AY MAYROONG LIBO-LIBONG URI NG PANINIWALANG HALOS HINDI KAYANG IPALIWANAG ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT ANG MGA TAO'Y NAGKAHIWA-HIWALAY AT HINDI NAGKASUNDO SA WALANG IBA AT NAG-IISANG DIYOS.

SANG-AYON SA MGA HULING SURVEY, ANG BUONG MUNDO NGAYON AY MAYROON NANG HUMIGIT KUMULANG 12 BILYONES POPULASYON NG TAO; SA DAMI NITO, HINATI-HATI ITO NG MARAMING IDOLOHIYA AT LIMANG RELIHIYON TULAD NG:

1. KRISTIYANO
2. BUDHISMO
3. SINTOISMO
4. HINDUISMO
5. MUHAMEDANISMO


SA LIMANG ITO NAGSIMULA ANG LIBO-LIBONG URI NG PANANAMPALATAYA AT NAG-AANGKIN NG KALIGTASAN AT DITO RIN NAGSIMULA ANG DEBATIHAN NA KADALASAN AY NAUUWI SA AWAY.

ANG RELIHIYON AY SIYANG NAMAMAGITAN NG DIYOS AT NG TAO, KUNG WALA ANG RELIHIYON ANG TAO AY HINDI MAKAKAKILALA SA DIYOS. DAHIL DITO NAGMUMULA ANG DOKTRINA NA SIYANG GINAGAMIT NG DIYOS UPANG SIYA AY KILALANIN NG MGA TAO SA LUPA.

ANG PILIPINAS AY ISA SA KILALANG BANSANG KRISTIYANO SUBALIT ANG MGA PILIPINO AY HINDI MAGKAISA SA KANILANG PANANAMPALATAYA, BAGAMAT NAGKAISA ANG PANANAW NA TIYAK NA MAYROONG DIYOS. HINDI SILA PAREHA NG SEKTA SA BIBLIYANG SINASANG-AYUNAN NA KUNG SAAN ANG PINAGMULAN NG MGA KANI-KANILANG PANINIWALA NG DIYOS.

NAKAKALITO KUNG BAKIT NAGKAGANITO ITO. KUNG TINGNAN MO SA LANSANGAN, SA PLASA NG MGA BAYAN, PAKINGGAN MO SA RADYO, TINGNAN MO SA TELEBISYON AT SA MGA NAGKAIBA-IBANG URI NG MGA BABASAHIN GAYA NG MGA DIYARYO, MAKIKITA MONG KANYA-KANYA SILA NG STYLE AT IBA-IBANG PALIWANAG TUNGKOL SA PANGINOON.

MALIBAN DITO MAYROON DING MGA GRUPO NA MAY TIWALA SA DIYOS SUBALIT HINDI NILA GINAMIT ANG BIBLIYA.

ITO ANG MGA TAONG NAG-AARAL NG MGA LATIN NA SIYANG GINAMIT BILANG MGA ANTING-ANTING NA KUNG TAWAGIN AY MGA “PANATIKO"

KUNG ATING TUNGHAYAN, ANG RELIHIYON AY NAHATI SA DALAWANG URI NG PANINIWALA, ANG ISA AY BASE SA BIBLIYA AT ANG ISA AY BINABASE SA AKLAT NG KALIKASAN, NA DITO KINUKUHA ANG MGA SALITANG LATIN NA GNAMIT SA KANILANG MGA PAMAMARAAN NG PAGDARASAL. ITO ANG MGA KARUNUNGAN NG DIYOS NA NAKILALA SA TAWAG NA ECCLESIASTICAL AT ESOTERIC.

1. ECCLESIASTICAL – ito ang karunungan ng Diyos na kung tawagin ay HAYAG dahil ito ay nakasulat sa mga aklat lalung-lalo na sa Bibliya. Dito nagmula ang sekta na ginamit ng mga mananampalataya upang mabuo ang mga kanilang grupo sa paniniwala sa Panginoon.

2. ESOTERIC – ito ang karunungan ng Diyos na TAGO, dahil hindi ito matutunghayan sa Bibliya, subalit ang mga mag-aaral dito ang gumamit ng salitang aklat ng kalikasan na siyang pinagkunan ng kanilang mga kaalaman, at ang mga taong ito ay tinaguriang mga KULTO.

Ang dalawang karunungang ito ay hindi nagkakaintindihan. Ang mga taong humahawak ng karunungang iyo ay nagsisiraan at nagpapayabangan; sabi ng nasa Sekta; kayong nag-aaral ng LATIN at naniniwala sa ANTING-ANTING ay mapupunta sa impyerno dahlia ang karunungang yan ay galing sa demonyo. At ang mga tao naman na nasa KULTO ay nagsasabi ng ganito; kayong nagbabasa sa Bibliya ay walang puwang sa harapan ng Panginoon dahlia kulang ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos ang pinakikinggan lang na salita ng Diyos ay ang LATIN dahil ito ang opisyal na salita ng Diyos.

Kung ating saliksiking mabuti, may dahilan ang Diyos kung bakit mayroong TAGO at HAYAG na karunungan. Ang HAYAG ay gabay upang marating ang tugatog ng iyong inaasahang kaligtasan, at ang TAGO naman ay siyang kapangyarihan na magliligtas sa oras ng mga kapahamakan at kagipitan. Madaling sabi, dapat ay magkasama itong dalawa. Kung absent ang isa nito wala ni ang maliligtas. Katunayan, lahat ng taong nautusan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ay mayroong dalawang karunungang pinaniniwalaan pati na ang Panginoong Jesucristo.

Ang Bibliya ay makapagpapatunay tungkol sa DALAWANG KARUNUNGANg ito. Gaya sa sulat ni Mateo sa talata 28 kapitulo 19, ganito ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad; “HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA, BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITO SANTO” Sa puntong ito, may tinutukoy si Cristo na pangalan ng Ama, Anak at ng Espirito Santo, subalit hindi ito binanggit sa Bibliya, ano kaya ang ibig sabihin sa mga pangalang tinutukoy ng Panginoong Jesus. Isa ang dahilan kung bakit hindi isinulat, ito ay TAGO na karunungan ng Diyos. Kaya sa mga taong nag-aaral sa karunungang TAGO ay siyang nakakaalam nito. Ito’y tawagin nila ay ARAM (pangalan ng Ama), ACDAM ( pangalan ng Anak), at ACSADAM (pangalan ng Espirito Santo).

Bawat bansa ay may sariling wika, subalit ang tao ay minsan lang nagkakapareha ng salita. Ito’y sa sandaling isilang. Lahat ng sanggol ay iisa ang alam na salita, ito ang salitang O-H-A. Sa mga nag-aaral ng HAYAG NA KARUNUNGAN ito ay hindi binigyang pansin, subalit sa TAGONG Karunungan ito ay mayroong matayog na kahulugan. Sa sulat ni MATEO 11:25 sa Bibliya ay ganito ang sinasabi, “NANG PANAHONG IYO’Y SINABI NI JESUS, PINASASALAMATAN KITA AMA, PANGINOON NG LANGIT AT LUPA, SAPAGKAT INILIHIM MO ANG MGA BAGAY NA ITO SA MARURUNONG AT MATATALINO AT INIHAYAG SA MAY KALOOBAN TULAD NG BATA” At sa MATEO 21:16 ganito ang sinabi ni Jesus, “MULA SA BIBIG NG MGA SANGGOL AT ANG PASUSUHIN AY PANAPAMUTAWI MO ANG WAGAS NA PAPURI” ang kahulugan sa salitang O-H-A ay ganito ORTAC HIPTAC AMINATAC na isa lamang sa napakaraming pangalan ng Ama, Anak at Espirito Santo.

Dagdag pa nito, ang ADRA MADRA ADRADAM ay ginamit ng mga kultong grupo bilang panawag sa AMA, ANAK AT ESPIRITO SANTO. Sa panahon ni Moises naisulat sa EXODO 3:14-15 sinabi ng Diyos, “AKO’Y SI AKO NGA. SABIHIN MONG SINUGO KA NI AKO NGA, NG DIYOS NG INYONG MGA NINUNO, NG DIYOS NINA ABRAHAM, ISAAC AT JACOB. AT ITO ANG PANGALANG ITATAWAG NILA SA AKIN MAGPAKAILANMAN”. Sa tagong karunungan, ito ang pangalang ibig sabihin ng Diyos “AHIH ASHIR AHIH”.
May isang aklat na kung tawagin ay “Aklat ng Kalikasan” kung bakit ganito ang tawad dahil ito’y ibinigay sa “DI PANGKARANIWANG” kapangyarihan. Sang-ayon pa, ito ay gaya ng pagkabigay sa Sampung utos ni Moises. Ang aklat na ito ay pinagmulan ng kaalaman na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan bilang TAGO NA KARUNUNGAN ng Diyos. Dito sa aklat na ito ay naitala ang 1001 na pangalan ng Diyos na pinaniwalaan hindi lamang sa Kristiyano subalit pati sa ibang sistema ng paniniwala ng Diyos gaya ng Hapon, Muslim, Intsik, at iba pa. Sa ating mga Kristiyano ang pangalang JEHOVAH, ay pinaniniwalaan at sinasamba. Sa aklat naman ng kalikasan ay ganito ang sinasabi, “NOONG GINAWA ANG MUNDO AY JEHOVAH ANG PANGALAN NG DIYOS” at ang salitang JEHOVAH ay nagmumula sa mga salitang JOD HE VAU HE na kung saan ay nagmumula sa apat na buntala na tamatangan sa mundo. Nang ginawa ang ataw ay HICAAC ang pangalan ng Diyos, HICAOC naman nang lalangin ang buwan at HIMBODOA naman anang ginawa ang mga bituin. Kung sabihin mong ang Diyos ay nasa Kataas-taasan, ang pangalan nito ay EL ELYON. Alam natin na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, ang kanyang pangalan ay EL SHADDAI, ang Diyos ay walanag hanngang EL OLAM ang Kanyang pangalan. Noong ginawa ng Diyos ang tao ay ELOHIM ang Kanyang pangalang ginamit, nang ginawa ang apoy ay YAWESERE ang Kanyang pangalan, ADONAI naman nang ginawa ang tubig. Ito ay iilan lamang sa Kanyang makapangyarihan at nakatagong pangalaan na magpapatunay na sa bawat ginawa ng Panginoon ay iba-iba ang Kanyang pangalan.

Sa lahat ng dako na sangkatauhan maging sa Asiya, Aprika, Amerika, Russia, China, Europa at kahit sa Pilipinas man ang bawat hugis ng hayop ay iisa kanilang salita. Sa tilaok ng manok ay maririnig natin ang CO CO CO OC, sa tahol ng aso ay CAO, sa ibon ay OAC sa palaka ay OC AC, sa pusa ay NGIAO at MAO, sa kambing ay ME, sa tupa ay VE, sa kalabaw ay ONGA, sa baka ay MA at sa mga isda sa tubig ay AC CAC EC OC COC. Ang mga iyan ay pawing mga salita ng mga hayop at mga isda sa tubig. Sang-ayon sa tagong karunungan, ang salita ng mga hayop at isda ay mayroong malawak na kahulugan na siyang pangalan ng Diyos sa mga kani-kanilang kaalaman.

Basahin natin ngayon ang salita ng manok, ating maririnig ang mga salitang CO CO CO OC sa kanyang pagtilaok ang tatlong CO CO CO ay isa sa maraming pangalan na nag-iisang Diyos na lumalang sa lahat ng bagay at nagtatangan ng kapangyarihang buo. Ang OC ay ang hanging Espirito ng Diyos na nagdadala sa Kanya sa lahat ng dako. Ang titik na O ay ORTAC at ang C ay CRISTAC.

Tunghayan naman natin ang salita ng aso. Sa tahol ng aso ay ating maririnig ang salitang CAO. Ang aso ay tumatahol lalong-lalo na kung ito ay mayroong napansin na di pangkaraniwan para sa kanya, sabi pa ng mga matatanda, ang aso ay tatahol kung ito ay makakita ng mga masamang espirito, nasa kanyang pagtatahol ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan CAO na sang-ayon sa tahong karunungan ito ay isa sa Tagong Pangalan ng Diyos. Ang basag sa salitang CAO ay ito: CRISTAC AMINATAC ORTAC. Ganoon din ang huning OAC ng ibong uwak, ay katulad din sa tahol ng aso ang kahulugan. Sabi pa ng aklat ng kalikasan ang salita ng uwak ay pangalang naihayag ng lubusan. Sang-ayon pa ito ay isang pangalan ng Arkanghel na lumalabas ang pangalan sa mata ng Diyos.

Magugunita na sa nakaraang labas nito ay naglalarawan ng mga salita ng hayop na kung saan ay natutunghayan natin ang iilang mga tago na pangalan ng Diyos. Ganoon pa man ating ipagpatuloy ang pagsaliksik sa mga iba ring hayop na sumasambit ditto ng mga pangalang tago.

Ang palaka ay ganito ang kanilang salita. May OC at mayroon din namang AC. Ang OC ay gaya ng naipaliwanag sa tilaok ng manok. Ang AC naman ay pangalan ng Diyos noong nag-iisa pa lamang Siya. Ibig sabihin noong wala pa ang mundo at ang iba-ibang planeta na sasa kalawakan. Ang dalawang titik ng AC ay ito AMINATAC CRISTAC. Ang pangalang ito ay nagmumula sa isang malawak at matayog na kahulugan dahil sang-ayon pa ang Diyos ay isang espirito at matayog na kahulugan. Isang espirito na walang simula at walang katapusan na sa ibang paliwanag ay sulong kaluluwa o espirito. Ngayon ay tuntunin natin ang dalawang salita ng pusa. Kapag nagalit ang pusa ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan MAO. Sabi ng kasaysayan ito daw ay pangalan ng isang matapang na espirito buhat sa Diyos at ito ang basag ng MAO MEOROAM AMINATAC ORTAC. Ang NGIAO naman ay isang salita na laging nasa bukang bibig ng pusa.. Ito ay isang kabanal-banalang pangalan ng kataas-taasang Diyos. Ang dalawang titik na NG ay NI-GAUM o NAB-GEM at IAO naman ay pangalan ng Diyos na naibigay kay Moises noong ito ay nabubuhay pa sa lupa. Ang IAO ay ang ISCHIROS ATHANATOS OTHEOS na isa sa nakatagong pangalan ng tatlong persona.

Ang salitang ME ng kambing ay isang pangalan din ng Diyos na ang kahulugan ay MAIGSAC EIGMAC. Ang MA naman ay salitang lagging bukang bibig ng baka, ang basag nito ay MACMAMITAM AMICAMEAMITAM. Ang sabi lagi ng tupa ay VE, ibig sabihin ay VOLHUM EGOLHUM na isa sa pinakatagong pangalan din ng Diyos. Gaya ni Adan noong kapanahunan ay nakakausap niya ang mga hayupan, mga halaman at punong kahoy, at ang karunungang yaon ay nagmumula sa tagong kaalaman. Sang-ayon sa tagong kasaysayan, si Adan ay nagkaroon ng kapangyarihan buhat sa mga tago na pangalan ng Diyos na ibinigay sa kanya noong doon pa sila ni Eba sa paraiso. Ito ang sinabing tatlong pangalan ng Diyos JOVE, YAHWEH at YESERAYE. Sa pamamagitan ng mga pangalang ito magaganap ang lahat niyang nanaisin gaya ng pakikipag-usap sa mga hayupan, halaman, punong kahoy at pati na rin sa mga may buhay sa ilalim ng tubig at mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid. Yon ang mga ilan sa mga pangalang binibigkas ng mga iba’t-ibang uri ng hayop, isda at ibon na kung saan ay hindi binigyang pansin ng mga tao sa buong akala na ang mga iyan ay walang kabuluhan, subalit ang kasaysayan ng tago na karunungan ay nagpapahiwatig na ang lahat na may buhay sa balat ng lupa ay kumikilala sa kanyang tagapag-lalang na walang iba kungdi ang Poong Maykapal.

Ngayon ating tunghayan at saliksikin ang panimula ng HAYAG at TAGO NA KARUNUNGAN NG DIYOS. Paano at saan ba nagsimula ang HAYAG at TAGO? Kung bubuklatin natin ang mga ito, ating maaaninang na magkaiba ang kianilang mga pasimula. Ang HAYAG ay nagsimula sa paglalang ng Diyos sa mundo. At ang TAGO naman ay nagsimula nang wala pa ang lahat ng bagay, ang ibig sabihin ay wala pa kahit isa man lang sa nilikha ng Diyos……
Sa unang labas ng seryeng ito naipaliwanag na ang Diyos ay mayroong dalawang uri ng karunungan. Ito ay ang Tago at Hayag na sa kasalukuyang ay ginamit na ng mga tao subalit hindi ito naintindihan ng maigi. Ngayon, ating tutunghayan at sasaliksihin ang simulain ng dalawang karunungan ito. Paano at saan ba nagsimula ang Hayag at Tago? Kung bubusisiin natin ang mga ito, ating maaaninag na magkakaiba ang bawat pinagmulan. Ang Hayag ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo habang ang Tago ay nagsimula sa wala pa ang lahat ng bagay. Ang ibig sabihin, ay wala kahit isa man lang sa mga linikha ng Diyos.

Sa Aklat ng Genesis sa Biblia, ganito ang panimula, Gen. 1:1, 2 at 3 "NANG SIMULA LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO, DILIM ANG BUMABALOT SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG", SINABI NG DIYOS: "MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA." Sa puntong ito mayroong bagay na hindi maipaliwanag, bakit? Kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Diyos ang lupa at hangin ay mayroon ng lupa subalit ito'y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig. Sa madaling salita, sa hayag na karunungan (bibliya) hindi maipaliwanag ng lubusan ang tawag na simula nang ang mundo ay likhain ng Diyos. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay hindi na binanggit sa Biblia. Subalit sa Tagong karunungan ay ganito ang sinabi: "Bago likhain ng Diyos ang bagay partikular na sa ating daigdig, ay inihanda muna Niya ang Apat na Elemento na siyang magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG at LUPA. May sinabi ang Diyos na ganito: "ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP." Nang ito'y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at umoudyap-udyap ang paggalaw na parang maliliit na alon ng tubig.
At muling nagsalita ang Diyos. "CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM," ibig sabihin ay simulan ko nang gawin ang langit at ang sanlibutan at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: "MANAOT LUMBRATE ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS", nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang lupa, tubig, apoy at hangin. Muling nagsalita ang Diyos ang ganito: "MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaibang-ibang lasa.
Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga awit 90:2 ganito ang sabi: "WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA, PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG," madaling sabi, ang Diyos ay walang simula at walang katapusan, kaya siya ay tinawag sa mga kultong grupo na INFINITO DEUS.
Kung ganyan ang kalagayan ng Diyos, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan nakatira at ano ang kalagayan ng Diyos? Kung ang Biblia ang pananagutin natin, walang malinaw na sagot na mababasa mo, subalit sa Tago na karunungan ay mayroon, at ito ang nakasulat sa Aklat ng Kalikasan. Noong wala pa ang mundo ang Diyos ay naririyan na, at Siya ay nakatira sa kanyang kaharian na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin sa Tagong karunungan ay "CIELO DE CHRISTILLENO" na ang ibig sabihin ay "langit sa mga langit."
Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Diyos na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit kagaya ng kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito'y napupuno at nababalot ng isang liwanag na walang simula at wala ding hangganan, sang-ayon sa Aklat ng Kalikasan ay ganito: AAZZAAXXXAACZA ZAAX ZAAZ ZAXAZ JIY OAFI JAAIYEI", ang ibig sabihin ay ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang abutin ni nino man na nilalang sa lupa kahit sa isip lamang.
Sa nakaraang labas ay tinutukoy ang kalagayan at tirahan ng Diyos noong wala pa ang mundo at ang lahat na mga bagay, kasaysayang naglathala sa pamamagitan ng kwentong balot sa mga mesteryong hindi naitala sa Biblia. Bagamat ibinulgar dito ang mga pinakatago na mga bagay, seguro dahil para sa isang katuparang nakasaad sa hayag na karunungan nakasulat sa biblia na sang-ayon pa ay ganito ang sinabi ng ating Panginoon Jesucristo sa Lucas 12:2 at 3; "WALANG NATAGO NA DI MALANTAD, AT WALANG NALILIHIM NA DI MABUBUNYAG ANUMANG SABIHIN NINYO SA DILIM AY MARIRINIG SA LIWANAG AT ANUMANG IBULONG NINYO SA MGA SILID AY IPAGSIGAWAN" kaya ito na ang tukmang panahon upang ang mga bagay na sadyang itinatago sa sobrang tagal at pinaghirapang maipreserba ang mga ito sa hindi mabibilang na mga panahon ay ibubunyag nang makamtan ang mga matiwasay na pananampalataya sa tunay na Panginoon mula sa tunay din na mga tauhan Nito.

Ang liwanag na walang simula at walang hanggan na tinutukoy noong nakaraang labas ay siyang kalagayan ng Diyos at Siya na rin ang Diyos. Sang-ayon pa sa tagong pangalan, ang Diyos ay mayroong mil uno (1,001) na mga pangalang nailantad na sa tao. Ang pinakauna Niyang pangalan "AINSOPH" ito ay nangangahulugang; "BUGTONG LIWANAG NA NAROON SA KATAAS-TAASANG BAHAGI NG WALANG KATAPUSAN AT WALANG HANGGAN." Kaya sabi ng tagong karunungan ay mapalad ang sino mang nakaalam sa pangalang yaan dahil hindi siya maghirap sa kabilang buhay.
.
Nag-iisa palang ang Diyos noong panahon iyon, at dahil sa pag-iisa nadarama ng Diyos ang masidhing pangungulila, kahungkagan at sobrang kalungkutan, kaya Siya'y napabuntong hininga ng malalim kasabay ang salitang "JUAAHAHUJAI," (ito rin ang winika ng Diyos ng bigyan Niya ng hininga si Adan) at doon nagsimula ang kanyang pag-iisip na gumawa ng mga bagay tulad ng araw, buwan mga bituin, mundo at mga tao, etc., upang ang mga ito ay kanyang paglilibangan. Subalit bago pa man ang lahat, ang Diyos ay gumagawa ng 72 na mga banal na espirito (sa tagong karunungan ay tinatawag na 72 dibosyon ng mga esperito) upang ang mga ito ay magiging kaantabay sa mga paggawa sa mga bagay ng naiisip Niyang gagawin.
Sa pagsimula ng Diyos ng kanyang mga gawain, ang tinutukoy na liwanag na walang simula at walang hanggan ay kanyang pinaliit, dahan-dahan itong lumiit hanggang ito'y naging bilog, na sang-ayon pa, parang sumbalilo ito kung tingnan mo sa malayo. At sa ilang sandali lamang, may pumunit sa dalawang hugis at sa unti-unti itong nagiging mga mata na nagliliyab sa isang pambihirang magkakaibang uri ng liwanag. Sumulpot at nagkaroon ng dalawang butas sa bandang baba na siyang maging ilog nito. Tumubo ang dalawang bahagi sa magkabilang tagiliran at nagkaroon din ng mga butas ang mga ito upang maging tainga nito. Gumuhit sa bandang ibaba kunti sa ilog at ito'y naging bibig, at sa ganoong pagkakataon, ang bilog ng gaya ng bolang liwanag ay dahan-dahang dumaloy tulad ng tulo ng kandila na tumulo paibaba at siyang sanhi na magkaroon ng leeg, katawan, dalawang kamay at dalawang paa. Dito ang bolang liwanag ay nagiging porma at hitsura ng tao.
.
Sa pagkakataong ito, ang liwanag ay tao na kung iyong tingnan at Siya'y pinangalanang ANIMA SOLA sa ating salita ay "Nag-iisang espirito o nag-iisang kaluluwa", at ito ang pangalawang pangalan ng Diyos na nalantad sa tao. Sang-ayon sa tagong karunungan, dito nagsimula ang pagiging tao ang hitsura ng Diyos.
.
Sa ilang sandali pa'y matapos ang mga ganoong mga pangyayari, ang Diyos ay nag-iisip sa mga bagay na dapat gampanan upang marating ang kanyang mga planong gagawin, may biglang umusbong sa kanyang noo ang limang talulut ng bulaklak na sa bawat dulo nito ay mayroong titik na sang-ayon pa sa kasaysayang tago ay ganito: M.A.R.I.A. ang limang litrang ito ay mayroong matayog na kahulugan sa mga esperito.
Ang salitang M.A.R.I.A. ay nagkaroon ng kahulugan na makasaysayan at ito ay nagbubuo sa hiwagang kapangyarihang hindi pa natuklasan ang kahulugan ninuman sa mundo dahil sa mga materyal na bagay na siyang bumabara at pumipigil sa isipan ng bawat nilalang. Dito matutuklasan ang lawak sa salitang yoon at sa pamamagitan ng kanyang buod na kapangyarihan ay maaangkin ang isang pambihirang tuklas na dapat tuntunin at ikabahala sa buong sangkaatauhan sa daigdig na nababalut ng ga kababalaghang hindi maipaliwanag ng lubusan – sapul pang nagsimula ng nagkatao ang sansinukob.

Ang limang titik na ito ay siyang bumubuo ng kapangyarihan ng Diyos, na sang-ayon pa noong wala pa ang mundo, hindi ito binanggit o tinawag ng Diyos, ang pangalang MARIA subalit ito'y tinatawag lamang na GUMAMELA CELIS o bulaklak. Ang GUMAMELA CELIS ay tinatagurian ng Diyos na, “ROSA MUNDI ET ROSA CEILO” na ang ibig sabihin ay, “bulaklak ng mundo at sa langit”. Ang MARIA ay MERIAM sa salitang Seria na sa ating lenguahe ay “PINAKAMATAAS”. Sa mga kultong grupo, ang MARIA ay sinasamba nila ito, pinaniwalaang makapangyarihang salita, dahil alam nila na ang salitang ito ay naitala sa pinakamataas na antas ng Karunungan ng Diyos. Ang bansag ng salitang M A R I A ay ganito: “M-MARIS, A-AMANTISIMO, R-REXSUM, I-IMPERATOR at A-ALTISIMA.”

Ang wikang MARIA ay salitang pinakamatamis ng mga espiritu, ito'y sinasamba at kinagigiliwan ng mga ito, dahil alam nila na ito ay ang kabuoan ng kapangyarihan ng Infinito Diyos at kailanman ay walang kapantay. Kaya ang sabi ng Diyos patungkol sa salitang ito ay ganito: “MAGNIFICAT ANIMA MEA DOMINUM AD DOMINUM CONTRABULARER RETRIBUE CERVOTOU TOU VIVEFECAME IN DEO SPERAVIT COR MEUM AT EDJUTSUS SUNTADTE DOMINE LAVAME ANIMA MEAM.”

Ang unang ginawa ng Diyos ay ang pag-atubili sa paglikha ng mga elemento upang ang mga ito ay gagawing Daigdig, Langit at iba't-ibang bagay upang mabubuo ang tinatawag na universo. Nang lumaon nagawa, lumikha ang Diyos ng Ancianos upang magiging kaantabay sa kanyang mga planong gagawin, at inumpisahan ng Diyos ang paglikha nito. Matapos ang ilang sandali, nagsalita ang Diyos ng: “AGAHAC JIRIUM JIURJITNUM JIURJITSUM JACJAHAHAC ROGOTAC YOPALUM MEDERAT INEHATISET CORPUS SIOMBENET” at pagkatapos nito, biglang may mga butil ng pawis na lumitaw sa bandang kanang ng Kanyang noo at ito'y Kanyang hinaplos ng kanang hinlalatong daliri, at ang mga butil ng pawis ay nagiging labing-anim na mga espiritu na kung saan ay kahalintulad ng Diyos ang hitsura ng mga ito. Nag-isip muli ang Infinito Diyos, at sa ilang sandali pa'y nagsalita uli ng ganito: “LUCJINUM”, at nang ito'y binigkas, may biglang mga butil ng pawis na naman na lumitaw sa bandang kaliwang noo ng Diyos, at nang ito'y haplusin ng Kanyang kaliwang hinlalatong daliri, ang mga butil ng pawis na ito ay nagiging walong espirito na gaya din ng Kanyang kaanyuhan, at sa mga mahiwagang pangyayari, ang 24 Ancianos ay nabubuo.

Ang 24 na mga espiritong ito ay siyang mga katulong ng Diyos sa lahat ng Kanyang paglikha sa buong universo gaya ng paglikha ng tao. Ganito ang nakasulat sa Biblia: Genesis 1:26, sinabi ng Diyos: “NGAYON, LALANGIN NATIN ANG TAO ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN”. Sa madaling salita, hindi nag-iisa ang Diyos kung bakit at sino ang mga kasama ng Diyos nang likhain ng mga ito ang tao, kaya sa unang bahagi pa lamang sa biblia nagsimula na ang hindi pagkakaunawaan sa mga sektang grupo ganoon din sa mga ilang kultong mananampalataya dahil ang mga bagay na ito ay lingid sa kanilang mga kaalaman subalit, hindi nangangahulugan na marami ang Diyos, ang 24 espiritu ay bilang mga katulong lamang ng Panginoon sa kanyang paglikha.

Sa mga matatanda at sa sinaunang mga tao, na sumunod sa mga ukultismong karunungan, ang pangalan ng mga hinlalato na daliri ng Diyos na siyang ginamit sa paghaplos ng mga butil ng pawis na siyang nagiging 24 espiritu ay may matayog at pambihirang kapangyarihan, na ayon pa sa nakaugalian, kung ito'y iyong malaman kailanman ay hindi ka dadanas ng paghihirap sa kabilang buhay, kung kaya ang pangalang yoon ay itinatago sapul ng ito'y ipinahintulot ng Diyos na marating sa kaalaman ng tao, subalit sa panahong ito, ay dapat ng mabulgar ng sa ganoon, makamit at malalaman ang katotohanan sa buong sangkatauhan. Ang pangalan ng kanang hinlalatong daliri ay: “MEPHENAI at sa kaliwang hinlalatong daliri naman ay “JPHATON.” Mapalad ang sino mang mag-iingat dahil kilalanin siya ng Panginoon sa panahong darating. Ganyan ang nakasaad sa Tagong Kasaysayan.

Ang 24 Ancianos ay binigyan ng Diyos ng mga tungkulin, subalit ang iba nito ay siya ang binigyang karapatan na gumawa ng desenyo ng gagawing buwan, kung baga mga arketekto ang papel nila. Ang Pangatlo hanggang pang Walo ay hindi tumanggap ng tungkulin, ang ginawa ng mga ito ay naglagalag lamang sa loob at labas ng mundo. Ang pang Siyam hanggang sa pang Labing-lima sila ay ang nagiging Siete Arkanghelis na kinakatiguriang mga mandirigmang espirito sa Diyos at ang pang Labing-anim ay si Lucifer nasa bandang huli ay nagiging kalaban ng Diyos at sa lahat na banal na espiritu ganoon ding kinatatakutan ng mga tao sa lupa.

Ang pang Labing-pito hanggang sa dalawampu't isa ay hindi rin tumanggap ng tungkulin at sang-ayon pa sa kasaysayan, noong si Panginoon Jesus ay nakabayubay sa krus ang limang ito ay lumapit upang magpabinyag sana, subalit naabutang nalagutan ng hininga ang Panginoon sa mga oras na yoon at hindi natuloy ang mga balak nito. Ang huling tatlong ay sila ang ginawa ng Diyos bilang kabuohan ng Santisima Trinidad: Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang ama na tinutukoy dito ay hindi ibig sabihin Diyos Ama o Infinito Diyos, ang Ama na ito ay kinatawan lamang sa pinaka-Ama sa lahat. Bilang Ama, naatasan Siyang gumawa ng desenyo sa gagawing daigdig ng tao, ito ngayon ang ating ginagalawang mundo. Ang Anak naman siyang binigyan ng karapatang magbigay daan sa mga tao upang sa ganoon hindi ito makalimot sa Diyos at maging katuturan nang sa ganoon nagkaroon ng kaligtasan sino man ang sumusunod sa Kanya. Ang Espiritu Santo naman ang siyang namamahala sa lahat ng mga anghel na tagapagtanod sa lahat ng tao sa lupa, at siya rin ang sumusubaybay sa lahat ng gumawa ng mabuti sa lahat ng mga nilalang kawangis ng Panginoon.
Sa Biblia ang salitang Santisima Trinidad ay hindi nakasulat, subalit sa Mateo 28:19, ito ang sabi: “BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO”. Sa talatang ito ay inutos ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad na bautismuhan ang mga tao sa pangalan ng Santisima Trinidad subalit hindi naisulat sa biblia kung ano ang mga pangalan na tinutukoy ng Panginoon. Sa tagong karunungan ay marami ang pangalan ng tatlong persona, gaya ng: ARAM – pangalan ng Ama, AKDAM – sa Anak at AKSADAM – sa Espiritu santo. ADRA – sa Ama, MADRA – sa Anak at ADRADAM – Sa Espiritu Santo. Sa mga sektang grupo mayroon silang binabanggit na salita lagi bilang pasasalamat ng Panginoon at ito ay ang “ALELUYA,” ang salitang ito ay isa lamang sa napakaraming pangalan ng Santisima Trinidad ito ay hango sa salitang AL EL UYA ibig sabihin ay pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Kaya dito nagsimula ang dibatihan ng mga sektang grupo, lumalabas ang kanya-kanyang panindigan subalit hanggang sa mga oras na ito nananatiling wala pa ring tamang kasagutan ang hindi nila pagkaunawaan. May mga sektang grupo na pinapaniwalaan ang Santisima Trinidad subalit karamihan ay hindi, at sa mga naniniwala nito, ang Santisima Trinidad ay iisang Diyos sa tatlong persona. Kung ating siyasatin naman hindi aabot sa tatlong persona kundi iisa lamang ang anak na walang iba maliban ni Panginoon Jesucristo. Sa Biblia ay walang binanggit na mayroong persona ang Diyos Ama at Diyos Espiritu, maliban sa Diyos Anak na sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo ay nagkaroon ito, kaya kung ating tunghayan ang Santisima Trinidad ay nag-iisa lamang ang persona nito. Subalit sa mga kultong grupo ang tatanungin, sila'y naniniwala na ang mga ito ay mga diyos rin at hindi sa Santisima Trinidad lamang kundi sa buong kaantabay ng Diyos ay mga diyos rin. Ganito ang sabi sa biblia, Awit 136:2: “PINAKADAKILANG DIYOS NG MGA “diyos” AY PASALAMATAN,, ANG PAG-IBIG NIYA AY MANANATILI AT PANGWALANG-HANGGAN”. Makikita natin na may diyos dito na maliit, ang pagkasulat, ang diyos na ito ay ang mga espiritung kaantabay ng Panginoon sa lahat niyang mga gawain kasama na rito ang Santisima Trinidad, pati na rin ang mga taong inuutusan ng Diyos dito sa lupa na kung saan ay kinikilala rin bilang panginoon sa lahat niyang mga taong nasasakupan, gaya ni Moises, Haring David, Haring Solomon at mga iba pa. Sa Pahayag 17:14, may sinasabi na ganito: “DIRIGMAIN NILA ANG KORDERO NGUNIT SILA'Y TATALUNIN NITO, SAPAGKAT SIYA ANG PANGINOON NG MGA “panginoon” AT HARI NG MGA “hari” MAKIKIHATI SA KANYANG TAGUMPAY ANG MGA TINAWAG HINIRANG AT TAPAT NIYANG TAGASUNOD”. Ganoon din sa Juan 10:34 at 35. Ganito ang sinabi ni Panginoon Jesucristo: “TUMUGON, SI JESUS, HINDI BA NASUSULAT SA INYONG KAUTUSAN, SINABI KO, MGA “diyos” KAYO? MGA “diyos” ANG TAWAG NG KAUTUSAN SA MGA PINAGKATIWALAAN NG SALITA NG DIYOS, AT HINDI MAAARING TANGGIHAN ANG SINASABI NG KASULATAN.”

Kaya karamihan sa mga kultong grupo ay naniniwala na tutuong nag-iisa lamang ang “Diyos” subalit marami ang mga diyos o diyoses gaya ng kani-kanilang mga pinuno bilang utos ng Diyos dito sa lupa. Sa parting ito, dito nagsimula ang mga kultong grupo sa paniwalang ang kanilang pinuno ay diyos din at hindi mo rin sila masisisi.

Dagdag pa nito ay nakasulat din sa Pahayag 1:5, ganito ang sabi, “AT MULA KAY JESUCRISTO, ANG TAPAT NA SAKSI, ANG UNANG NABUHAY SA MGA PATAY AT HARI NG MGA “hari” SA LUPA.” Maliwanag na hindi nag-iisa ang Panginoon ganoon din ang Hari, subalit iisa lang ang pinaka-Panginoon at iisa rin ang pinaka-Hari. Si Jesucristo ay nakatakdang maghahari at maging Hari sa mga hari at Panginoon ng mga panginoon dito sa lupa subalit, ang sinasabing Diyos ng mga diyos ay walang iba kundi ang mahal na Amang Infinito Diyos, Diyos na walang simula at walang hanggan.

Nang mabuo na ang 24 Ancianos, ito'y binigyan ng kanya-kanyang pangalan na kung halungkatin ang tagong kasaysayan ang mga ito'y nagtatangan sa mahiwagang kapangyarihan na sang-ayon pa, sino man ang makaalam nito dito sa lupa ay mapalad doon sa daigdig ng mga espirito. Ito ay kanilang mga pangalan: UPHMADAC, ABONATAC, ELIM, BORIM, MORIM, BICAIRIM, PERSALUTIM, MITIM, AMALEY, ALPACOR, AMACOR, ALPALCO, ALCO, ARAGO, AZARAGOE, LUXBEL, ISTAC, INATAC, ISLALAO, TARTARAO, SARAPAO, MAGUGAB, MAIAGOB at MAGOB. Ang mga ito ay ang pinakaunang pangalan naihayag sa mga taong nag-aaral sa tago na kaalaman ng Diyos. Maliban dito marami pa, sa bawat paglalang na magaganap, ang 24 Ancianos ay magkaroon ng panibagong pangalan.

Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o gawain ng mga tao sa lupa ito'y maging tama o magiging mali man, kaya ang mga kasalanan ng tao ay walang ligtas sa Panginoon dahil dito.

Sa huling aklat ng Biblia, sa Pahayag, binabanggit ang 24 Ancianos, Pahayag 11:16 ganito ang sabi: "AT ANG DALAWAMPU'T APAT NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA HARAPAN NG DIYOS AY NAGPATIRAPA AT SUMASAMBA SA KANYA." Sa tagong kasaysayan naman ay ang 24 Ancianos ay laging nakapaligid ang mga ito sa Infinito Diyos. Maraming misteryo ang mga ito na hindi kayang abutin sa kaisipan ng makalupang aralin.

MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS
1. UPHMADAC - Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras o ala una ng madaling araw, siya ang nagdesinyo ng Araw sang-ayon ng tungkuling ibinigay sa kanya ng Infinito Diyos. Gumawa siya ng maraming desinyo at ito'y inipresenta niya sa kanyang mga kasamahan at sa Panginoon, at pumili sila at napagkaisahan nilang lahat ang hugis o hitsura ng araw na siyang nagbibigay liwanag sa mundo sapul pa noon hanggang sa kasalukuyang panahon at sa darating pa.

2. ABONATAC - Ito ang pangalawang espirito ang siyang gumawa ng desinyo upang magkaroon ng Buwan na siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa panahon ng gabi. Ganoon din ang ginawa niya, marami ring desinyo at ang mga ito'y inipresenta sa kanyang mga kasamahang sa 24 Ancianos at sa Infinito Diyos, at kanilang napagkaisahan ang hitsura ng buwan na nasa kasalukuyang panahon natin ngayon.

3. ELIM
4. BORIM
5. MORIM
6. BICAIRIM
7. PERSALUTIM
8. MITIM

- Ang mga espiritong ito ay hindi tumanggap ng katungkulan, kaya ang kanilang ginawa ay ang paglagalag lamang labas pasok sa mundo. Bagamat sila'y tagabantay ng Diyos at sa oras na kung saan naman sila natatapat sa kanilang mga numero.

9. AMALEY - Ito ang pangulo at unang ministro sa mga arkanghelis na mandirigma. San Miguel ang tawag sa kanya ng mga sektang grupo. Sa kanyang balikat nakasalalay ang pakikipaglaban sa mga masasama upang magkaroon ng katiwasayan sa lupa at sa langit din.
Ang pangalang Miguel ay nakasulat ito sa Biblia, gaya ng sa Daniel 12:1 ganito ang sabi: "SA PAGKAKATAONG YAON, DARATING SI "MIGUEL", AT MAGKAROON NG MATINDING KAHIRAPANG HINDI PA NANGYAYARI KAILANMAN. NGUNIT MALILIGTAS ANG MGA KABABAYAN MONG ANG PANGALAN AY NAKASULAT SA AKLAT NG DIYOS," sa Pahayag 12:7 ganito naman ang pagkasulat: "PAGKARAAN NITO'Y SUMIKLAB ANG DIGMAAN SA LANGIT! NAGLABAN SI ARKANGHEL MIGUEL, KASAMA ANG KANYANG MGA ANGHEL, AT ANG DRAGON, KASAMA NAMAN ANG KANYANG MGA KAMPON."
Si Miguel ay nakatalagang magbabantay sa pang-siyam na oras sa bawat araw, maliban doon siya pa rin ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya sa kaalamang tago, dapat daw si Miguel ang tawagan sa mga araw na ito upang maiiwasan ang ano mang sakuna o mga pangyayaring hindi mangyari.

Ang bansang Pilipinas ay maraming naniniwala kay San Miguel, ito'y maging sa sektang grupo at sa mga nasa kultong grupo. Maraming simbahang malalaki at maliliit man ang mga ito ay nagdiriwang sa kapistahan ni San Miguel sa bulan ng September, sa panahong ito ay gumagawa sila ng mga bagay na ikinalulugod daw sa kanilang kaligtasan lalong lalo nasa panahon ng digmaan, marami silang mga salitang latin na binibigkas na pag-aari daw ni San Miguel na siyang pinaniniwalaang mga anting-anting upang magiging matagumpay sa larangan ng labanan. Siya rin ang espiritong tagahatid balita at mensahero ng Infinito Diyos sa buong kalangitan. Ganito ang panawag ukol ni anghel Miguel: ESTO MIHI BALTEUS ET DAMIHI PRODEO ET IN DEO MORI.

10. ALPACOR – Ito ang ginagawang kalihim ng Siete Arkanghelis sa buong universo, siya sa pangalang San Gabriel na kung saan ay tagatala sa lahat ng nakatagong kababalaghan sa buong sanlibutan at kalawakan, sa Biblia naitala ang pangalan Gabriel, sa lumang testamento sa sulat ni Daniel Kapitulo 9 Bersikulo 21 ganito ang sabi: “AT HABANG NANANALANGIN AKO, ANG LALAKING SI GABRIEL NA NAKITA KO SA UNANG BAHAGI NG AKING PANGITAIN AY MABILIS NA LUMIPAD SA AKIN SA ORAS NG PAGHAHANGOD SA GABI.” At sa bagong tipan naman ay ganito ang nakasulat sa Lucas 1:26: “NANG IKAANIM NA BUWAN NA NG PAGDADALANTAO NI ELISABET, ANG ANGHEL GABRIEL AY SINUGO NG DIYOS SA NAZARET GALILEA.

Si Gabriel ay nakatalagang magbantay tuwing ika-10 ang oras sa umaga sa bawat araw, maliban doon siya pa rin ang tagabantay sa bawat araw ng Lunes, kaya sa mga nakakaalam nito, mabuti daw siya ang tawagan sa araw na ito upang ligtas sa lahat na kapahamakan.

Marami din ang sumasampalataya kay Anghel Gabriel gaya ni Miguel. May naggunita sa kanya sa pamamagitan ng kapistahan ito ang mga nagdibuto sa kanya. Sa kultong grupo naman ay ang kanyang pangalan ay ginagamit nila ito sa pagdepensa sa sarili at umaasa sila sa kaligtasan lalong-lalo na sa digmaan. Ito ang panawag ni Anghel Gabriel, ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDEMEM IMPARTIENDO.

11. AMACOR – Ito ang prinsipe ng anghel ng hukom at siya rin ang nagbibigay sa biyayang pangkalangitan na kung saan ay siya pa rin ang Mayordomo ng Infinito Diyos. Ang anghel na ito ay kilalang-kilala sa pangalang San Rafael, siya ang taga-bantay sa oras na alas 11 sa umaga sa bawat araw at Martes naman ang kanyang binabantayan na araw sa bawat linggo, kaya dapat siya ang tawagin mo sa araw na ito upang ikaw ligtas sa mga kapahamakan. Ganito ang panawag ni Angel Rafael: ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORISE ET ANIMAE.

12. APALCO – Ito ang anghel na ginawang Hustisya Mayor sa langit, ito ang punong administrador sa mga bagay pangkalangitan at tagapag-rekomenda sa Diyos ng kaparusahan na dapat gagawin, siya rin ang taga-bigay ng karunungan upang magagamit ang kaluluwa at katawang lupa ng tao. Ang anghel na ito ay nakikilalang si San Uriel na nakatalaga sa pagbabantay sa oras ng alas 12 ng tanghali at siya rin ang tagapagbantay sa mga araw ng Mierkules, kaya dapat siya tatawagan sa araw na ito upang maligtas sa ano mang sakuna. Ganito ang pagtawag sa kanya. ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR.

13. ALCO – Ito ang espiritong taga-hain o taga-panalangin sa Diyos ng ano mang magaling na gawa ng tao, siya rin tumatanggap at tagabigay alam sa makataong pangangailangan, patungkol sa Diyos. Ang anghel na ito ay nakilalang si San Seatiel na siyang bantay sa araw ng Huebes at oras na tuwing ala una ng hapon araw-araw, kaya dapat siya ang tawagan sa araw na ito: Ganito ang pagtawag sa kanya: LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORIUM MIHI PULORUM.

14. ARACO – Ito ang espiritong ginawang ingat-yaman at biyaya, siya ang humahawak ng susi upang maibigay ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang anghel na ito ay nakilala sa pangalan San Hudiel, ang taga biyaya at tagapagloob ng awa ng Diyos. Siya rin ang naatasang magbabantay sa araw ng Biernes, kaya siya dapat ang tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa kanya: CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM ESTO MIHI UMBRACULOM ET FACME ISSIDUM INCOMPETENDO DOMINO.

15. AZARAGUE – Ito ang espiritong tagapag-alaga ng Langit at Lupa, at siya ang taga tulong at taga-ampon sa lahat na espiritong nasasakupan ng Infinito Diyos. Ang pangalan niya ay kilala sa tawag na San Baroquiel ang bantay sa oras ng alas 3 ng hapon sa bawat araw at naatasang magbabantay din tuwing araw ng Sabado, kayua siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa kanya: AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE OBTIMIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPARARE A DEO.

Si San Baraquiel ay ang pinakahuli sa Siete Arkanghelis na kilalang pitong mandirigma ng Diyos Ama. Maraming nakasulat sa kanilang mga kasaysayan na hindi naisulat sa Biblia, subalit ito’y nakaabot din sa kaalaman ng tao sa pamamagitan ng mga profeta na siyang sadyang sumulat ng mga ito bilang tago ng karunungan upang mapanatiling bahal sa tunay na mananampalataya. Ang Siete Arkanghelis ay subok na sa katatagan at katanyagan, marami ang kuwentong nagpapatunay nitong lalong-lalo na sa mga kultong grupo, daan-daan na ang mga taon ng mga ito sa paggamit sa wikang nakatago ng Siete Arkanghelis na kung saan ay kinakatagurian. “Anting Anting” na lumigtas ng buhay panahon sa mga sakuna at digmaan. Hanggang sa ngayong panahon ito nanatili pa rin ang walang kupas na pananalig sa mga taong nabubuhay lamang sa pag-asa ng tagong karunungan ng Diyos upang makamit ang minimithiing kaligtasan.

16. LUXBEL – Ang espiritong ito ay ang pinakabunso sa mga espiritong unang gawa ng Infinito Diyos. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Liwanag n Langit” dahil siya’y pinakamalapit sa Diyos. Nang ang Diyos ay mag-umpisa na ang kanyang paglalang, bininyagan siya ng pangalang BECCA, subalit sinuway nito ang Infinito Diyos kaya pinangalan siya nito muli ng LUXQUER o LUCIFER sa ating salita.
Ang kasaysayan ni Lucifer ay matutunghayan sa isang Aklat na Tago, ang aklat na ito ay pinamagatang DIES MUNDOS (Pangsampung planeta). Sa aklat na ito ay matatagpuan ang iba-ibang uri ng bawal na karunungan gaya ng pangkukulam, malik mata, pang-gagayuma at marami pang iba, kaya dinidismaya ang sino mang magkaroon nitong uri na libro dahil ito ay sanhi ng pagkakasalang walang kapatawaran sa Panginoon.

17. ISTAC 18. INATAC 19. ISLALAO 20. TARTARAW at 21. SARAPAO – Ang limang espiritong ito ay hindi nabinyagan at hindi tumanggap ng tungkulin, kaya noong si Panginoong Jesucristo ay kasalukuyang nakabayubay ng krus, ang mga ito ay lumapit upang sana ay magpabinyag, subalit hindi nangyari ang gusto nila dahil sa mga oras na yoon ang ating Panginoon Jesus ay nalagutan ng kanyang hininga.
Ang huling tatlo ay kinakataguriang SANTISIMA TRINIDAD na sa kaalaman ng marami ay Sila ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang paliwanag ng mga sektang grupo tungkol ditto ay malabo, maski na ang pinakamalaking relihiyon ay walang malinaw na paliwanag at ang nangyari ay ginawang panatiko nila ang mga kanilang nasasakupan upang kahit mali ang kanilang mga paliwanag ay paniwalaan sila ng mga ito.

Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak at Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “KAYA HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami ahit kulang ang kanilang kaalaman tungkol dito.

Bagamat ang Tagong Karunungan ay malaki, ang kaalaman tungkol sa Santisima Trinidad ito’y nanatili pa ring malabo sa karamihan dahil iilan lamang ang nakakaintindi nito sa kadahilanang ang tunay lamang na utos ng Diyos ang pwedeng gumawa sa maliwanag napagpaintindi sa ganitong mga bagay. Ang Santisima ay sila ang may dala ng numero 22, 23 at 24 dibisyon ng Espiritual.

22. MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang Diyos na Ama hindi ibig sabihin na siya ang Infinito Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Diyos Ama. Siya ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gaya ng iba-ibang uri ng mga lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao. Ang taong karunungan ay nagsalaysay na hindi lamang sila Adan at Eva ang tao na ginawa ng Diyos, ito’y maraming uri at lahi. An kasalukuyang panahon ay makapag-patunay nito. Ang nakatala sa Bible History ay si Adan at Eva ay mayroong kayumanggi ang kulay, sa mga panahong ito mayroong tayong limang uri ang kulay ng mga tao sa sanlibutan, gaya ng pula na sila ang mga tao na kinakataguriang mga “Indian” ang dilaw naman ang mga lahi ng Intsik, Hapon, Koreano at sa mga kalapit nilang mga bansa, ang itim ay ang mga Negro na maski sa Pilipinas ay mayroon tayong mga itim na tao gaya ng mga Kungking na mga nitibo sa probinsiya ng Surigao, ang mga puti ay mga Amerikanoat tayong mga Pilipino ay naalinsunod sa kulay ni Adan at Eva na kulay kayumanggi.

23. MARIAGOB – Ang espiritong ito ay ang kinakataguriang pangalawang persona sa Santisima Trinidad, taglay niya ang kabuuan ng Diyos Anak na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay nagaganap an mga misteryo at katuparan sa mga Gawain ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong sumasakatawan ng ating Panginoon upang nagligtas sa bawat nilalang na tumatanggap at naniniwala sa Kanya. Ang katawan ng tao ay patay kong wala ang espiritong namamahay nito, kaya sa oras na iiwan ng espirito ang katawan, ito ay namamatay.

Ang espiritong sinabi dito ay siyang pumapasok sa bawat katawan ng taong utos ng Diyos na kung tawagin noong panahon ay “Kordero ng Diyos.” Sa bawat panahon ay mayroon taong utosan ng Diyos, subalit karamihan sa kanila ay hindi pinaniwalaan sa mga tao, gaya ni Jesucristo noong panahon ng kanyang pagmisyon dito sa ibabaw ng lupa iilan lamang ang naniniwala sa kanya, bagamat siya’y kinagigiliwan at linoluhuran sa ngayon, noon ay siyan inaalimura sa karamihan.

Sang-ayon sa talaan ng mga Salita sa Biblia ay ganito: ANG CRISTO AY SALITANG GRIEGO NA ANG KAHULUGA’Y “PINAHIRAN”, AT KATUMBAS NG “MESIAS” SA WIKANG HEBREO. “PINAHIRAN NG LANGIS ANG SINUMANG ITINALAGA SA ISANG TANGING GAWAIN. SI JESUS AY TINAWAG NA CRISTO SAPAGKAT SIYA ANG PINILI NG DIYOS NA MAGING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON.” Sa mga salitang ito ay nagpapatunay lamang na hindi iisa ang cristo dahil ang Biblia mismo ang nagsasabi na mayroon pang ibang tagapagsalita maliban ni Jesucristo. Sa Gawa 7:35 ganito ang nakasulat: “ITINAKWIL NILA SI MOISES NANG KANILANG SABIHIN, “SINO ANG NAGLALAGAY SA IYO UPANG MAGING PINUNO AT HUKOM NAMIN? NGUNIT ANG MOISES DING ITO ANG SINUGO NG DIYOS BILANG PINUNO AT TAGAPAGLIGTAS, SA TULONG NG ANGHEL NA NAGPAKITA SA KANYA SA MABABANG PUNONG KAHOY.” Sa puntong ito si Moises ay Cristo rin dahil nakasulat na siya’y sinugo at tagapagligtas din. Maliban kay Moises marami pa gaya ni Haring David, Haring Solomon, Samson, Abraham at iba pa.

Sa Juan 1:18 ganito ang sinabi: “KAILANMA’Y WALANG NAKAKITA SA DIYOS, SUBALIT IPINAKILALA SIYA NG BUGTONG NA ANAK…. SIYA’Y DIYOS NA LUBOS NA MINAMAHAL NG AMA.” Maliban sa talatang ito, marami pang naisulat sa Biblia na nagsasabi tungkol sa “Bugtong na Anak”, na sang-ayon sa mga mananampalatayang Kristiano ay si Jesucristo lamang ang Bugtong na Anak. Subalit ang ibig sabihin dito ay “Bugtong na Anak sa Bawat Panahon.” Sa bawat panahong mayroong sinugo ang Diyos ay ito’y matatawag na bugtong na anak, dahil kung tingnan natin ang Biblia hindi kailanman ang Diyos nagsugo ng dalawa katao sa isang panahon, bawat sinugo ng Diyos ay magkaiba ang panahon, kaya’y ang lahat na sinugo ng Diyos ay matatawag na Bugtong na Anak.

Kaya ang espiritong nakatalaga sa pang 23 na dibisyon sa Espiritual ay siyang nagiging at magiging espirito sa lahat ng taong sinugong Diyos na kung tawagin ay “Diyos Anak” ay tagapagligtas.

24. MAGUB – Ito ang kinakatagurian na pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo, siya ang gaganap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa mga panahong ito, dahil sa kanyang kapangyarihan ay mabubuo at matutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao. Gaya ng hindi pagkaisa ng mga tao tungkol sa paniniwala ng Panginoon, sila’y sumasampalatayanan tiyak ay mayroong Panginoon, subalit hindi pareha ang kanilang sistema sa pagsamba ng Diyos na iisang Biblia lang naman sana ang kanilang pangarap na kaligtasan sa buhay. Bakit magkaiba ang kanilang pananaw at enterpretasyon sa Biblia? Dahil wala sa kanila ang espirito sa katutuhanang ipinangako ni Cristo. Sa Roma 10, 13, 14 at 15 nakasulat ang pagpahiwatig tungkol sa tunay na sinugo ng Diyos, ganito ang sabi: “SAPAGKAT SINABI SA KASULATAN, ”MALILIGTAS ANG LAHAT NG TUMATAWAG SA PANGALAN NG PANGINOON”, NGUNIT PAANON TATAWAGAN NG MGA TAO ANG HINDI NILA SINASAMPALA-TAYANAN? PAANO SILANG MANANAMPALATAYA KUNG WALA PA SILANG NAPAKINGGAN TUNGKOL SA KANYA? PAANO NAMAN SILANG MAKAKAPAKINIG KUNG WALANG NANGANGARAL? AT PAANONG MAKAPANGARAL ANG SINUMANG KUNG HINDI SIYA ISINUSUGO? AYON SA NASUSULAT, OKAY INAM NA MAKITANG DUMARATING ANG MGA NAGDADALA NG MABUTING BALITA.” Sa talatang ito, maliwanag na ang tunay lamang na sinusugo ng Diyos ang makapagbigay sa tunay napaliwanag tungkol sa Diyos. Sa panahong ito ay magulo sa dami ng umaangkin, sino kaya sa kanila ang totoo? Ito’y napakalungkot na katotohanang hindi puwedeng tanggihan.

Sa 2Pedro 1:20-21 ay nagpahiwatig din ukol sa tunay na sugo ng Panginoon. Dito ating malalaman na ang Biblia pala ay dapat lang ipaliwanag ng tooong inutusan ng Diyos lalong-lalo na sa mga hula na naitala dito. Sa mga salita ni Panginoong Jesukristo ang karamihan ay hula tungkol sa paghahari ng Diyos dito sa mundo. Sa ganyang katotohanan, paano ito maipapaliwanag ng kung sinu-sino lang? Kaya ganito ang sabi sa kasulatan: “HIGIT SA LAHAT, TANDAAN NINYO NA WALANG MAKAPAGPAPALIWANAG NG ALINMANG HULA SA KASULATAN SA BISA NG KANYANG SARILING KAKAYAHAN. SAPAGKAT HINDI NAGBUHAT SA KALOOB NG TAO ANG HULA NG MGA PROPETA, ITO’Y GALING SA DIYOS AT IPINAHAYAG NG MGA TAONG KINASIHAN NG ESPIRITO SANTO”.

Ang tinutukoy dito ay siyang Espirito ng katotohanan na ipadadala ni Jesukristo dito sa mundo kaya kay tamis kung ito’y ating masusumpungan, subalit napakasakit ang katotohanang sa kasalukuyan ay marami ang mga kunwari, na kung masdan nating mabuti ay naisakatuparan na ang sinabi ng ating Panginoong Jesus sa Mateo 24:4-5 ganito ang sabi. “SUMAGOT SI HESUS, MAG-INGAT KAYO NA HUWAG NA HUWAG KAYONG MAILIGAW NINUMAN! SAPAGKAT MARAMING PAPARITO SA AKING PANGALAN AT MAGSASABI, AKO ANG MESIAS AT MARAMI SILANG MAILILIGAW”. Ang mga iyan ay kasalukuyan na nangyayari, ang sabi ng Panginoon ay “maraming paparito sa kanyang pangalan”. Karamihan at halos lahat sa mga sektang grupo ay umaasa sa pangalang Jesukristo kaya ang mga ito ang siyang tinutukoy ni Kristong naliligaw? Lahat ng mga ito’y umaangkin ng katotohanan, sino kaya sa kanila ang pinakatotoo?

Sa aklat ng Pahayag 3:12 mayroong tinutukoy na isang templo ng Diyos na kung halungkating dagdag ang iba pang talata sa Bibliya ito’y isang tao na kakasihan ng Espirito Santo. Ang espirito ay walang katawan kaya paano siya makapagsalita sa ganyang kalagayan, kaya siya’y gagamit ng katawang tao upang magaganap ang kanyang sadya ditto sa lupa. Ganito ang sabi, “ANG MAGTATAGUMPAY AY GAGAWIN KONG ISANG HALIGI SA TEMPLO NG AKING DIYOS, AT HINDI NA SIYA MAAALIS DOON MAGPAKAILANMAN. IUUKIT KO SA KANYA ANG PANGALAN NG AKING DIYOS. ANG BUONG JERUSALEM NA BABABA MULA SA LANGIT BUHAT SA AKING DIYOS. IUUKIT KO RIN SA KANYA ANG AKING BAGONG PANGALAN”.

Maliwanag na mayroon bagong pangalan ang Diyos para doon sa mga magtatagumpay kaya tiyak na hindi Jesucristo ang tinutukoy na pangalan ditto. At ang mga taong makakaalam ay makakarating sa kaharian ng Diyos na bababa dito sa lupa. Kaya mapalad ang maghahanap at makasumpong sa taong magiging templo ng Diyos dito sa lupa dahil tiyak ang kaligtasan para sa kaniya. Sa Juan 16:16-17 ay ganito ang sabi ni Jesucristo, “DADALANGIN AKO SA AKING AMA, AT KAYO AY BIBIGYAN NIYA NG ISANG PATNUBAY NA MAGIGING KASAMA NINYO MAGPAKAILANMAN. ITO AY ANG ESPIRITO NG KATOTOHANAN NA HINDI MATANGGAP NG SANLIBUTAN SAPAGKAT HINDI SIYA MAKIKITA NI MAKILALA NG SANLIBUTAN, NGUNIT NAKIKILALA NINYO SIYA, SAPAGKAT SIYA’Y SUMASAINYO AT NANANAHAN SA INYO. Madaling sabi ang espiritong ito ay gagamit ng katawan ng tao na syang tinutukoy na templo sa Pahayag 3:12. At dagdag pa nito, ang sabi ni Jesucristo sa Juan 16:7-8 ay ganito: “NGUNIT DAPAT NINYONG MALAMAN ANG KATOTOHANAN: ANG PAG-ALIS KO AY PARA SA IKABUBUTI NINYO; SAPAGKAT HINDI PAPARITO SA INYO ANG PATNUBAY KUNG HINDI AKO AALIS, NGUNIT KUNG UMALIS AKO, SUSUGUIN KO SIYA SA INYO. PAGDATING NIYA AY KANYANG PATUTUNAYAN SA MGA TAO SA SANLIBUTAN NA MALI ANG PAGKAKILALA NILA SA KASALANAN, AT IPAKILALA NIYA KUNG ANO ANG MATUWID, AT KUNG ANO ANG KAHATULAN”. Sa mga talatang yan ay malinaw na malinaw na hindi si Cristo ang nagpaliwanag sa katotohanan kundi ang templo ng Espirito Santo na sang-ayon sa mga salita ni Jesucristo ay siya ang nagsugo nito.

Kaya sa panahong ito ay dapat pagsikapan na matagpuan ang templong ito dahil siya lamang at wala ng iba ang makapagpapaliwanag sa buod ng katotohanang inaasam-asam ng lahat. Ang kaguluhang nagbabalot sa bawat sektang ginagamit ng bawat relihiyon ay hindi makapagbibigay ng linaw sa lahat maliban sa taong ito. Mapalad ang makakakilala sa kanya dahil tiyak na mapapabilang ang kanyang pangalan sa Aklat ng Buhay. Yan ang pang-24 dibisyon sa spiritual.

Ito ang kabuuan ng 24 Ancianos, mga Espiritong katulong ng Diyos sa kanyang paglalang sa lahat ng bagay, at bago sila magsimula sa kanilang gawain, sila’y nagsasalita ng sabay-sabay at ganito ang sabi nila, “GIPARO HIP GIPARO CIHIP GRUMUGAM EMPRIUMISIC HELNAGAM UMAN HEMSPAG HURMPA HURMPAS NURGUM SURISITIM DAB GOLO MENTUM HISIM MEMENTO PUI RATAM PATER EST ARIA sa pamamagitan ng mga salitang ito ay nabuo sila ng lubusan pati ang kani-kanilang kapangyarihan, at dito ay nagkaroon sila ng tanda ng pag-uugnay sa bawat sandali sa Infinito Diyos.

ANG PAGLALANG NG DIYOS

Nang matapos likhain ang 24 Ancianos (24 espirito) na siyang naging katulong sa lahat niyang mga gawain, inihanda Niya ang apat na elemento upang ang mga ito ay maging sangkap sa gagawing daigdig. Ito ay ang Lupa, Tubig, Hangin at Apoy. Ang mga elementong ito ay ang pinagmulan ng lahat ng bagay sa labas at loob ng mundo . Dito rin nanggaling ang sangkap at kabuohan ng katawan ng tao, ganoon din naman sa lahat ng may buhay sa lupa, gaya ng mga hayop, tanim at ng halaman.

Ang Infinito Diyos at ang mga espiritong kanyang kaantabay ay abalang-abala sa paghahanda sa bawat bagay na kanilang lilikhain, bawat sandali ng pangangailangan sila ay nagtitipon-tipon at nag-uusap upang mapagkaisahan ang mga bagay na dapat magaganap. Kahalintulad ng gagawin nilang kahoy may nagsabi na ang malaking kahoy ay hindi dapat malaki ang bunga dahil pag mahulugan ang mga tao o ang hayop ay hindi mamamatay at ganoon nga ang nangyayari, ang maliit na kahoy ay siyang malalaking bunga.

Ang bawat kaantabay ng Diyos ay gumagawa sang-ayon sa kani-kanilang tungkulin kaya lahat ng bagay na kanilang naiisipang gawin ai kanilang ihahanda ang mga sangkap nito upang sa oras na kanilang umpisahan ang paglalang ay preparado na.

Unang araw ng Paglalang

Ang apat na elemento ay wala pang hugis, wala pang porma at hitsura ang apat na ito ay pinagbuklod-buklod ng Infinito Diyos sabay ang salitang “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM” kaya nagkaroon ito ng hugis. Sa aklat ng Genesis 1:1-2 ay ganito ang nakasulat, NANG SIMULANG LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT ANG LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO. DILIM ANG BUMABALOT SA KALALIMAN AT UMIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”. Maliwanag na mula nang likhain ang mundo ito’y mayroon ng lupa, hangin at tubig bagamat wala pa itong anyo.

Ang Infinito Diyos ay nagsalita muli ng ganito, “ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TREASET BUITARAP”, at nabuo ang apat na elemento at nagiging isang mundo, at muling nagsalita ang Diyos ng ganito, “MANAOT LUMBRATE ACTIVE DEUS MEAVITE DEUS SANCTA MEUS”, at nagbukod ang Lupa at Tubig, at may sinabi pa, “MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM”, ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaiba-ibang bansa.

Sa Genesis 1:3-5 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGKAROON NG LIWANAG, AT NAGKAROON NGA, NASIYAHAN ANG DIYOS NANG ITO’Y MAMASDAN. PINAGBUKOD NIYA ANG LIWANAG AT ANG DILIM. ANG LIWANAG AY TINAWAG NYANG ARAW AT ANG DILIM NAMAN AY TINAWAG NA GABI – IYON ANG UNANG ARAW”. Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang pagkasabi ng Diyos, “EVITE LUXEL BAARUPATAP MUMSAPER DIELUCAM DAUCAM HUMIEYER PEMHUMAC AIDISTORBA BARTASI JELUMEL MENAC CAATOR POOC LAAT BARPITUM EGO RUSARITUS MUNDUM YIBESLIHA HAC MILUREMUS EGRUMINTOR BIMSITOR HANDOOR DEUS”. Nang ito’y masabi ay naghiwalay ang liwanag at ang dilim at nangyari ang pinakaunang araw sa buong kasaysayan.

Ang unang araw sa kanilang paglalang ay nagbigay ligaya sa Infinito Diyos ganoon din sa Kanyang mga kaantabay, maligaya silang nagbabatian at dahil doon ay may sinabi ang Diyos na ganito, “HUMBRE SE LUMBRE BIRHAMOY DIDUCAM BALRISI HUMAHUM MIGTIAL SACSILUOM DEUS SIGHOM”, at ang 24 Ancianos ay sumagot ng ganitong salita, “DEUS EGOSUM MON NUMBRE SILAC CARTOAM DEUS EGOSUM MOSTAHUS HIGRUSILUM CIAMIMCUM EDRUTE ACDUDUMIM MOMINTOR”. Pagkatapos noon ay nagsimula na naman silang maglalang ng pangalawang araw na ubod ng ligaya ang kanilang mga mukha.

Pangalawang araw ng kanilang paglalang

Sa araw na ito ay ginawa ng Diyos ang kalawakan upang mamagitan sa tubig na nasa itaas at sa may bandang ibaba, kaya ang sabi sa Genesis 1:6-8 ay ganito, “SINABI NG DIYOS: “MAGKAROON NG KALAWAKANG MAGHAHATI SA TUBIG UPANG ITO’Y MAGKAHIWALAY AT NANGYARI ITO. GINAWA NG DIYOS ANG KALAWAKAN NA PUMAGITAN SA TUBIG NA NASA ITAAS AT NASA IBABA. LANGIT ANG TAWAG NYA SA KALAWAKAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA. IYON ANG IKA-2 ARAW”.

Sa tagong kasaysayan naman ay ganito ang sinabi ng Diyos nang ginawa ang kalawakan, “BERNATE DEUS MOSHIC HACCOMEUM SUPERNA EGOSUM”. At nang tawagin niya ang kalawakan na LANGIT ay ganito ang salitang binigkas Nya, “BUNAMORATE AB SILOC HISCORTE CAELUM”. At dagdag nito upang maging ganap ang pinaka-unang pangalawang araw sa buong kasaysayan ng paglalang, nagsalita muli ang Panginoon. “NUMBRATE CAELORUMET TERRAM DISIDIDUM MUNDUM LACIMUNA HIGROSEM PACTOBOTEL ECRAESIM EGO DEUS MUNDURARIPUS DEUS”. Nang ito’y masambit sumagot ang 24 Ancianos ng ganitong salita, “REJIGESE BISOLANE BIENTE QUATOR SEÑORES EGOVIS SANCTE LUMIHIDAM PARPARAM SARALAM BUNCAO PIIG SINTURISMO EGOSUM DEUS”. Pagkatapos noon ay naganap ang ikalawang araw ng paglikha.

Pangatlong araw

Sa araw na ito ay pinagsama-sama ng Diyos ang tubig sa isang dako upang lumitaw ang lupa, tumubo ang sari-saring halaman, mga kahoy na siyang sanhi ng kagandahang hindi pwedeng pantayan. Ang mga bulaklak na kung pagmasdan ay parang nagpapaligsahan sa ganda. Ang punong kahoy na halos nagtataasan upang matatanaw ang kapaligiran nagsisayahang lumanghap ng simoy ng hanging sariwa at ang mga kabundukang punong-puno ng sari-saring halaman ay parang nag-aawitan sa tuwa dahil nadarama ang kaligayahang walang halo kundi puro kagalakan.

Sa Genesis 1:9-13 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGSAMA SA ISANG DAKO ANG TUBIG SA SILONG NG LANGIT UPANG LILITAW ANG LUPA, AT ITO’Y NANGYARI. ANG LUPA AY TINAWAG NIYANG DAIGDIG AT KARAGATAN NAMAN ANG NAGSAMA-SAMANG TUBIG. NASIYAHAN SIYA NANG ITO’Y MAMASDAN. PAGKATAPOS, SINABI NG DIYOS, MAGKAROON SA LUPA NG LAHAT NG URI NG HALAMANG NAMUMUNGA AT NAGBUBUTIL. AT NANGYARI ITO. TUMUBO NGA SA LUPA ANG MGA HALAMAN. NASIYAHAN SIYA SA KANYANG GINAWA NANG ITO’Y MAMASDAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA – IYON ANG IKA-3 ARAW.

Nang pinagsama ang Tubig upang lumitaw ang Lupa at ganito ang sinabi ng Diyos sang-ayon sa tagong kaalaman. “DIRACTOR HOBI COMES TUNADOR EMPARITILLOS SIRCABUS HUMRETOS”. Nang ginawa ang mga damo at halaman ay ganito ang sabi ng Diyos. “UCCOLUM HUMBARQUIDE ADOACTE FIGNIMUS ET BARTUARUS”, at nagsalita muli upang tumubo ang mga kahoy at lupa, “LYACHAM LAYALGEM LAYAFARAN LIALFARAH LEBARA LEBAROSIN LAYARAROLUS”, pagkatapos sa mga salitang ito lumitaw at tumubo ang lahat ng uri ng punongkahoy sa balat ng lupa.

Ang pangatlong araw sa kanilang paglalang ay nagbigay dagdag ligaya sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, ubod sa ligaya ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “DEUS MEUS CASTABOLANE EGOSTILLOS BUADOS MACRISE HIGUTE VILVO HUMAR ESORASIOM TUBBY”. Nang madinig ito ng 24 Ancianos sila’y sumagot ng sabay-sabay sa pamamagitan ng mga salitang ito. “DEUS APTRIS TITRUS EGO SUM MEUM TOCRIBUS TAALIRUS ROROLUS DEUS BAARTIBUS SICUTABUS ESTIMUS HONTIBARUM MUMBORUM EGO SACLO LUMBRE MUSTAEMTILUS.” Pagkatapos sa mga salitang ito ay naganap ang pangatlong araw.

Pang-apat na Araw ng Paglalang:

Sa araw na ito ay nilikha ng Diyos ang Araw, Buwan, at mga Bituin. Ang Araw ay nakalaan upang magbigay liwanag sa panahon ng araw at ang Buwan ay para magbigay liwanag sa gabi. Ang mga Bituin naman ay upang magbigay kagandahan sa buong kalawakan lalong-lalo na sa panahon ng gabi. Ang mga ito ay siyang tatanglaw sa buong mundo.

Sa Genesis 1:14 hanggang 18 ganito ang sabi: “SINABI NG DIYOS. MAGKA-ROON NG MGA TANGLAW SA LANGIT PARA MABUKOD ANG ARAW SAS GABI. ITO ANG MAGIGING BATAYAN SA BILANG NG MGA ARAW, TAON AT KAPISTAHAN. MULA SA LANGIT, ANG MGA ITO’Y MAGSASABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG AT GAYON NGA ANG NANGYARI. NILIKHA NG DIYOS ANG DALAWANG MALAKING TANGLAW: ANG ARAW, UPANG TUMANGLAW SA MAGHAPON, AT ANG BUWAN, UPANG MAGBIGAY LIWANAG KUNG GABI. NILIKHA RIN NIYA ANG MGA BITUIN, INILAGAY NIYA SA LANGIT ANG MGA TANGLAW NA ITO UPANG MAGSABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG. TUMANGLAW KUNG ARAW O GABI, AT MAGBUKOD SA LIWANAG AT DILIM. PINAGMASDAN NG DIYOS ANG KANYANG GINAWA AT SIYA’Y NASIYAHAN.” Ganyan ang sabi sa hayag na karunungan.

Nang Likhain ang Araw:

Bagamat sa hayag na kaalaman ay may malaking kakulangan sa tunay na pangyayari, ang tago naman ay ganito ang pagpaliwanag. Nang likhain ng Diyos ang Araw na ito ang salitang Kanyang binigkas: “HICAAC ESPIRITUM MEUM ET CUM SARMUNDI VESET NOS EMPERIM”. Nang ito’y masabi biglan nagkaroon ng bulang apoy na siyang nilikha ang araw ng Infinito Diyos at ito’y inilagay niya sa gitna na kalawakan upang magbigay ng tanglaw sa daigdig. “SARMUNDI ENERITUM MURLUM MACMITOR HIGUR.” Ang araw ay nagkaroon ng dalawang mata na siyang nagbigay buhay sa init nito: “SINASOP MISOP HUMPILAC LARAMEUS EGLOREMOS”. Nagkaroon ng dalawang tainga upang madinig kung ano man ang pag-uutos ng Diyos sa kanya. “BUCERRA LAGASTOSE HINLOT MIMPAL EGOPAL LACMIT SUNIMBUR DEUS TORSILATUS”, nagkaroon ng bibig upang may kakayahang makipag-usap sa mga nilikha ng Diyos gaya ng Buwan, mga Bituin, at higit sas lahat ay makapagbigay siya ng mensahe sa Diyos sa kahit anong bagay ng ginagawa ng tao at iba pang mga nilalang ng Diyos sa mundo, kaya isa ito sa dahilan kung bakit ang tao hindi puwedeng magsinungaling sa Kanya.

Ang Pang-anim na Araw ng Paglalang
Sa araw na ito ay nilalang ng Diyos ang Tao at mga Hayop. Dito ginawa ang unang tao na tinatawag niyang Adan at Eva at ang ito ay binigyang kapangyarihan upang mamahala sa lahat ng hayop, isda at ibon ditto sa lupa. Sa Genesis 1-:24 hanggang 30 ay ganito ang nakasulat: “SINABI NG DIYOS: MAGKAROON NG LAHAT NG URI NG HAYOP SA LUPA – MAAMO, MAILAP, MALALAKI AT GAYON NGA ANG NANGYARI NILIKHA NGA NIYA ANG LAHAT NG ITO, SIYA’Y LUBOS NA NASIYAHAN NANG MAMASDAN ANG MGA ITO.
Pagkatapos likhain ang mga ito, sinabi ng dios ngayon: “LALANGIN NATIN ANG TAO, ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN, SIYA ANG MAMAHALA SA MGA ISDA, MGA IBON AT LAHAT NG HAYOP, MAGING MAAMO O MAILAP, MALAKI O MALIIT.”
Nilalang nga ng Diyos ang mga tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya: “MAGPAKARAMI KAYO AT PUNUIN NG INYONG MGA SUPLING ANG BUONG DAIGDIG AT PAMAHA-LAAN ITO. BINIBIGYAN KO KAYO NG KAPANGYARIHAN SA MGA ISDA, SA MGA IBON, AT SA LAHAT NG URI NG BUTIL AT MGA BUNGANG KAHOY NA INYONG MAKAKAIN, ANG LAHAT NG HALAMANG LUNTIAN AY IBIBIGAY KO NAMAN SA MAILAP NA HAYOP, MALAKI MAN O MALIIT AT SA LAHAT NG MGA IBON.” At ito nga ang nangyari.
Ang pang-anim na Araw ay siyang panghuli sa paglalang ng Diyos. Dito nagkaroon ng makulay at buhay ang sandaigdigan gawa ng nagkaroon na ito ng nilalang na siyang mamahala at magtatakbo sa lahat ng may buhay.
Sa tagong karunungan ay ganito ang salaysay na ang Diyos ay lumalang sa lahat ng uri ng mga hayop, ang Diyos ay nagsalita ng ganito: “MURPICTICTUM ET NUNUM EMERENCIANA ET NUNUM MITAM”, nang ito’y masambit kumalat sa mga kabundukan at sa kapatagan ang lahat ng uri ng hayop, ito’y maging maamo o mailap o maliit o malaki, at muling nagsalita ang Diyos upang mabasbasan ang mga ito: “NUMBRIBUS TICUS DEUS HAMPIR NIMRUBATO CULAMPAIM MICTURIMUS INIMITUS MUNDUM SINUGRATOR HIGMACANUM”.
Nang likhain ang unang tao sa mundo ay pinangalanan itong ADAM (Adan). Ang pangalang ADAM ay hinugot mula sa apat na buntala na tanglaw ng mundong sangtinakpan, ang salitang pinagmulan ay ito: A – ASTROS D – DISIS A – ANATUL M – MISEMBRE.
Ang Genesis 2:7 ay ganito ang nakasulat: “NILIKHA NG DIYOS ANG TAO MULA SA ALABOK, HININGAHAN SA ILONG AT NAGKAROON NG BUHAY.”
Subalit sa tagong karunungan ay ganito naman ang kasaysayan. Inihanda ng Diyos ang mga sangkap na ipinagkaloob sa tao na ang mga ito ay SUBTILIDAD, IMPASIBILIDAD, AGILIDAD at CLARIDAD. Ang mga apat na ito ay hinugot mula sa apat na elemento sa mundo na walang ia kundi ang APOY, HANGIN at LUPA at TUBIG. Pagkatapos ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “SUBTILIDAD PAMULI OQUIP PENSEMULI OSIM PERLIM ODIM PEMPAUM, IMPASIBILIDAD PINCUAM CUGEP PELINCUAM HIFERE PAUPERUM ICUIS, AGILIDAD PINTUIM PICERE PINTUM ARIEP PINCUIM ACUTIM, CLARIDAD PINDIMALLIM PERCUIM LIATUM PAMULI LICARIUM.”
Nang matapos magsalita ang Infinito Diyos ay kumuha ng isang dakot na alikabok at nagsalita muli: “TE EJETUR CLEMENTISSIME PATER PER DEUS ESPIRITUM TUUM DOMINUM NOSTRUM SUPLICES ROGAMUS AC PETIMU UTI ACCEPTA HABEAS ET BENEDICAS DOMINE INTOTO CORDE MEO QUEMADMODUM DAMAHI LUMECH GADAL PANCIA VEFOAS MEOROD LAMIDOCH BALDACHANERETHON MITATRON, HAEC DONA HAEC MUNERA HAEC SANCTA SARAFICIA ILLIBATA ALASASES LATORES ARAM ARADAM ADRADAM FRUOISIERE ABE ABEUC ABEIC ABEICA CARMAR AC OC DEUS.” Ang alikabok ay maging tao, subalit ito’y wala pang buhay kaya nagsalita muli ang Diyos at ito’y hiningahan sa ilog sa ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI JOHAOC ABHA HICAAC AERISIT HOCTACSIT ALIMIRACTIM HOCMITAC AMINATAC HIPTAC”, at upang pasukan ang katawan nito ng apat na elemento, ito ang sinabi ng Diyos: “PAMPANABAL PRUITIATEM GETECAN TES PUICCIMPRIAEM CRUISISIUM.”

Ang katawang material ay dapat magkaroon ng espirito kaya nagsalita ang Diyos ng ganito upang pasukan ng espirito ang katawan ni Adan: “ACUTIN PERICTATOS REXSISIUM CINCIMATIM PIMPUMABAL PICIONABAL PAMPANABAL, at upang gumalaw ang katawan ni Adan: “ALLITUIM HISIUMIEM ALLITAM RACIONISUM PICERE SARAPACIONEM PIMPUMABAL, at para makapagsalita si Adan, anito ang sabi ng diyos: “PELINCUAM PRILICAM PURITIRITIS PAMPANABAL, at upang maging normal na tao si Adan, at huwag Makita ang kanyang espiritu, “PURFIFINICURI PANPANABAL EUNIC CIUME ESISIRA PAMPANABAL SUBIRISATI NIMTAR CRUITIATOR GUM.”
Nang matapos mabasbasan si Adan, ito’y naging tunay na tao, subalit may nakita ang Diyos na dapat magkaroon si Adan ng kasama, kaya sa Aklat ng Genesis 1:18, 21, 22, 23, 24, 25 ganito ang sabi: “MATAPOS GAWIN ANG LAHAT NG ITO, SINABI NI YAHWEH, HINDI MAINAM NA MAG-ISA ANG TAO, BIBIGYAN KO SIYA NG MAKAKASAMA AT MAKATULONG KAYA’T PINATAWAG NI YAHWEH ANG TAO. SAMANTALANG NAHIHIMBING, KINUHA NIYA ANG ISANG TADYANG NITO AT PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG TADYANG NA IYO’Y GINAWA NIYANG ISANG BABAE, AT INILIPAT SA LALAKI. SINABI SA LALAKI, “SA WAKAS, NARITO ANG ISANG TULAD KO, LAMAN NG AKING LAMAN, BUTO NG AKING BUTO, BABAE ANG SIYANG ITATAWAG SA KANYA SAPAGKAT SA LALAKI NAGMULA SIYA. ITO ANG DAHILAN KAYA INIWAN NG LALAKI ANG KANYANG AMA AT INA UPANG SUMAMA SA KANYANG ASAWA, SAPAGKAT SILA’Y NAGIGING IISA. KAPWA SILA HUBAD, GAYUN MA’Y HINDI SILA NAHIHIYA.”
Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang kwento. Noong si Adan ay naging tao na, nakikita niya ang ibang nilalang na gawa ng Diyos ay mayroong mga kaparis, sinabi niya sa sarili na mabuti pa ang mga hayop ay mayroon silang kapareha. Naramdaman ni Adan ang lubos na pangungulila kaya nagsalita siya ng ganito: “DEUS EGOM MUNTAR EGO SUSTI MITIMI PAC LUBAR DATUM MEUM” at nadinig ito ng Diyos at sumagot ng ganito: “REPITUMI MAUCAT DAETIVES MENHAT MAUCNAT,” at natapos itong masabi nakatulog si Adan at habang mahimbing itong tulog na magsalita uli ang Diyos ng ganito: “MEMUS MAUS MITOS DIMUS RATULIA DOMINUS DEUS” nang ito’y masambit hinugot ng Diyos ang isang tadyang sa bandang kaliwa ni Adan at nagsalita ng ganito: “MAUSTIVUS DICRIS TAUS” at hinilom ang laman na pinagkunan ng tadyang.
Itinabi ang tadyang sa natutulog na Adan at nagsalita muli ang Diyos ng ganito: “PUROKUS MURAMUS DITESUM HUM MEAM DAUTINAL LACRIBUS HUSIBIBUS EGOSUM at naging babae ang tadyang, hiningahan ng Diyos sa ilong ng ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI RONAOC DUMAC ABHATAC ANATAC SIBULERUS DEUS MEAS HAAC TAAC NAAC” at nagkaroon ng hininga ang babae at upang maging tunay na tao ang babae ay ganito ang sabi ng Diyos: “LUMARAC MUAM MICTIM JUNAUS TAAMIMIT RICSAULAR SILUSTUMI JUMARI.”
At biglang nagising si Adan at maligaya siya nang makita niyang mayroon na siyang kasama. Tinawag niya Eva ang babae, ang pangalang EVA ay hango sa tatlong ilog na pinakamalaki sa mundo, E – EUFRATES, V – VILHA, A – AEDOM. Kaya, nang ginawa ng Diyos, ganito ang sinabi Niya: “ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN” at dahil hindi Siya nag-iisa, kasama Niya ang 24 Ancianos. Ganyan ang sabi ng tagong kasaysayan.
Gayon nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon sa loob ng anim na araw at Siya’y nagpahinga sa pang pitong araw.

Sa mga nakaraang mga labas ay naikwento kong paano ang paglalang ng Diyos ng Mundo, at sa lahat na may buhay pati na sa mga kahoy at mga halaman, maliban dyan ganoon din ang paglikha ng araw, buwan, mga bituin at iba pa sa pamamagitan ng tago (Isoteric) at hayag (Ecclesiastical) na karunungan ng Diyos.

Sa Biblia naitala ang mga taong inuutusan ng Diyos dito sa lupa. Mula kay Adan, Noe, Abraham, Jacob, Moses, Haring David at marami pang iba hanggang sa panahon ng Panginoong Jesucristo pati na si Juan ang sumulat sa pinakahuling aklat ng biblia walang iba kundi ang Pahayag, ang mga ito ay nagtataglay ng dalawang uri ng karunungan ng Diyos, ang Hayag at Tago.

Sa panahon pa ni Adan mayroon itong kakayahan na kakausapin ang mga kahoy at halaman pati ang mga hayop ng kanyang nasasakupan. Ipinagkaloob ng Diyos sa kanya na magtataglay ng ganitong klasi na karunungan.

Sa panahon ni Moses ganoon din, ating matutunghayan sa Biblia ang limang aklat na sinulat ni Moses bilang hayag niyang karunungan, ang mga ito ay ang aklat ng Genesis, Exodo, Levetico, Mga Bilang at Deuteronomio.

Maliban dito ay mayroon pang limang aklat na hindi naitala sa biblia ito ang pang anim, pang pito, pang walo, pang siyam at pang sampu. Mapalad ang makatuklas nito dahil dito ibinulgar ni Moses ang pinaka-ubod sa mga tago niyang karunungan, gayan ng pagbiak niya sa dagat, ang tungkod ay ginawa niyang ahas at marami pang mga kababalaghaang ginawa niya dito.

Si Haring David sa kanyang paghahari ay nagdanas ng maraming labanan na kong saan ay lagi itong nagwagi libo-libo ang kalabang namamatay sa digmaan subalit sa kanyang mga tauhan ay wala ni isa ni masugatan man lang. Sa mga nakaalam sa tagong karunungan naniwalang mayroong itinuro si Haring David sa kanyang mga tauhan na mga pangdepensa sa labanan na kong tawagin ito sa kasalukuyang panahon ay anting anting (amulet). Mayroon si Haring David salita na panghahalina sa mga babae ito, kong tawagin ay gayuma at ito’y naitala sa biblia na niya ay mayroong isang legal na asawa at mayroon 99 na mga illegal na asawa. Ganoon din si Haring Solomon na siyang pumalit sa kanya, 300 na legal asawa at 700 illegal na mga asawa sang-ayon pa sa biblia.

Ang ating Panginoong Jesucristo ay naitala sa biblia tungkod sa mga himala at kababalaghaan niyang nagawa, gaya ng tubig ginawang alak, bulag nakakita, bingi nakadinig at higit sa lahat ay ang bumuhay ng patay, ang mga ito ay pagpapatunay lang na si Panginoon Jesus ay nagtataglay ng tago ng karunungan ng Diyos.

Ang tagong karunungan ay nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit o pagbigkas ng mga salitang LATIN, gaya ng ating Panginoon Jesucristo ay naitala sa biblia ang mga salitang LATIN na kanyang binigkas ng Siya’y bumuhay ng patay. Sa Marcos 5:41 ganito ang sabi: “HINAWAKAN NIYA ITO SA KAMAY AT SINABI. “TALITA KUMI” NA ANG IBIG SABIHI’Y “ENING” SINABI KO SA IYO MAGBANGON KA!” Sa ganoong salita lamang ay bumangon at nabuhay ang 12 anyos na batang babaeng bago lang namatay at namangha ang mga taong nakasaksi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento