Lunes, Hunyo 1, 2015

PEKENG MAESTRO/GURO

MARAMI NG NAGKALAT NA MGA PEKENG MAESTRO O GURO.KADALASAN AY NASA MGA GROUP SILA SA SOCIAL NETWORK. NARIYAN ANG MGA NAGBEBENTA NG MGA KAGAMITANG PANGONTRA O PAMPA-SWERTE UMANO SA BUHAY. SUBALIT ANG TOTOO AY WALA SILANG ALAM KUNDI MAGBENTA NG MAGBENTA AT WALA NAMANG ITINUTURO NA ARAL. KUNG MAY SASABIHIN MAN SILANG ARAL AY DADALHIN KA NILA SA USAPING BENTAHAN NG KANYANG PANINDA.

ANG IBA NAMANG PEKENG MAESTRO/GURO AY KAKIKITAAN MO NG KAYABANGAN AT IPINAGMAMALAKI ANG KANYANG TANGAN,ANTING-ANTING O AGIMAT. AT KUNG SILAY MAKAKA-ENGKWENTRO MO SA ISANG DISKUSYON O PAGTATALO SA ISANG BAGAY AY WALANG IBANG BUKANG BIBIG KUNDI ANG SALITANG "MAG ARAL KA MUNA NG LNK". NA WARI'Y MINAMALIIT KA AT PINALILITAW NA SYA AY NAPAKARAMING ALAM.

ANG IBA PANG MGA PEKENG MAESTRO AY LAGING NAGPAPASIKAT AT PINAKIKITA NIYANG ANGAT SYA SA IBA SA PAMAMAGITAN NG KESYO ALAM NIYA ANG TUNAY NA BIGKAS SA YHWH NA ALAM NAMAN NATING LAHAT NA WALANG NAKAKA-ALAM KUNDI SI MOISES NA SA KALAUNAN AY BINAWALAN NARIN NG DIOS AMA NA HUWAG NG BIGKASIN PA ANG KANYANG SAGRADONG PANGALAN DAHIL SA MAYUYURAKAN LAMANG NG TAO.

AKONG INYONG LINGKOD AY SAKSI SA KANILANG KAYABANGAN AT PANLOLOKO SA KAPWA.MARAMI AKONG NAKITANG MALI SA MGA SINASABI NILA NA LABAG NA SA BANAL NA KASULATAN AT ARAL NG ATING DIOS AMA.

NARITO ANG MGA KASINUNGALINGAN NA AKING NAKITA:

1. MAY NAGSASABI NA SYA DAW AY RE-INCARNATION NI MOISES SA MAKABAGONG PANAHON.AT KUNG TAWAGIN SYA NG KANYANG MGA UTU-UTONG MYEMBRO AY "NUNONG A" DAHIL SA PAG-CLAIM NYA SA SARILI NYA NA REINCARNATION SYA NI MOISES. MUKHANG HINDI NYA YATA ALAM ANG IBIG SABIHIN NG SALITANG REINCARNATION. AT KUNG TALAGANG REINCARNATION SYA BAKIT HINDI NYA MAHAWI ANG TUBIG SA DAGAT? NASAAN ANG KANYANG TUNGKOD? AT BAKIT NAG AARAL PA SYA NG LNK AT NAGBABASA PA SYA NG BIBLIYA GAYONG SYA NA PALA SI MOISES NA REINCARNATED?

2. MAY NAGSASABI DIN NA ISA PANG LALAKE/BINABAE NA SYA NAMAN DAW ANG REINCARNATION NI AARON. AT DI-UMANOY NAKAPAGPAPALABAS NG ASUL NA APOY (BLUE FLAME) SA KANYANG KAMAY NA WALA PANG NAKAKASAKSI NG NATURANG APOY AT TANGING SA GUNI-GUNI LANG NG KANYANG MGA NALOLOKONG MYEMBRO NAKIKITA. SINASABING SYA AY DIVINO SUBALIT GUMAGAWA NG IMORALIDAD,KAYABANGAN NA KESYO MAHINA ANG PODER NG KANYANG NAKAKA-DISKUSYON SA ISANG TEMA. HINDI KAKIKITAAN NG MAGANDANG EHEMPLO SA PAG UUGALI. YAN BA AY LINGKOD NG DIOS? O PAPURI SA SARILI ANG NAIS?

3. MERON DING MGA NAG AARAL NG LIHIM NA KAALAMAN NA PURO PULOT LANG AT HINGI SA IBA AT PAGTAPOS MAKAPULOT AT MAKAHINGI AY KUNG MAGSALITA AY NAPAKATAAS NG TINGIN SA KANYANG SARILI AT MINAMALIIT ANG MGA BAGUHAN.BIGLANG MAGTATAYO NG KANYANG SARILING GRUPO AT SYA ANG TUMATAYONG MAESTRO.SUBALIT TAKOT NAMAN MAKIPAG TALASTASAN DAHIL MABUBUKO NA WALA TALAGA SYANG NALALAMAN.

4. MERON DING NAG AARAL NG LIHIM NA KARUNUNGAN NA ISANG ENGKANTADOR NA SINASABING NASA KANYA ANG SUSI NG LANGIT AT TAGA-PAMAGITAN NG GOBYERNO DIVINO. NAKAPAGTATAKA NAMAN NA SA BILYON-BILYONG ANGHEL SA LANGIT AY SA ISANG TAONG ENGKANTADOR PA IPINAHAWAK ANG SUSI NG LANGIT. KINAPOS NA BA SA ANGHEL ANG DIOS AT SA TAO NA LANG INIHABILIN ANG SUSI NG LANGIT? AT KELAN PA NAGKAROON NG TINATAWAG NA GOBYERNO DIVINO? ANO ANG INYONG MASASABI SA MGA KAPATID?

* NAPAKARAMI AT IBA-IBA ANG ESTILO NG MGA MANLOLOKO AT NAGPAPANGGAP NA MAY ALAM, KAYA MAG INGAT KAYONG LAHAT MGA KAPATID. ANG MASASABI KO LANG AY ANG TUNAY NA LINGKOD NG DAKILANG DIOS AY MAPAGKUMBABA,MATAPAT,MALUMANAY AT MAY KABULUHAN ANG MGA SINASABI AT KAPUPULUTAN NG GINTONG ARAL AT MAGANDANG PANANAW.

HANGGANG SA MULI AT HINDI PA DITO NATATAPOS ANG PAKSANG ITO. ABANGAN SA MGA SUSUNOD PANG LABAS ANG MGA BAGAY NA ISISIWALAT KO SA INYO UPANG HUWAG KAYONG MALOKO NG MGA TAONG GANYAN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento