Lunes, Hunyo 15, 2015

PARANORMAL EXPERT

SILA AY MGA TAO NA NAKA-DEPENDE SA TEKNOLOHIYA,SIYENSYA AT MEDISINA.HINDI SILA NANINIWALA SA DIOS O SA DEMONYO AT LALONG-LALO NA SA MGA DOKTRINA NG MGA RELIHIYON. BASE SA KANILA AY DALA LAMANG DAW ITO NG MGA ESPANYOL AT IPINAMANA SA ATIN AT HANGGANG NGAYON AY NAKA-KULONG PARIN DAW ANG MGA FILIPINO SA DELUSYONG KATURUAN NG KRISTYANISMO.
AMINADO SILANG MARAMING HIWAGA SA MUNDO AT SADYANG MAHIWAGA ANG TAO.PERO KATWIRAN NILA AY HINDI KOMO MAHIWAGA AY MAY NAG IISA NG DAKILANG LUMIKHA. PARA SA KANILA AY MAY SIYENTIPIKONG PALIWANAG AT MAY KINAUGNAYAN DIN SA MEDISINA ANG MGA BAGAY NA PINANINIWALAAN NG NAKARARAMI NA MAHIWAGA.
INIISIP NILA NA UMAARTE NA LANG DAW YUNG MGA TAONG SINASAPIAN PARA MAKAKUHA NG HIGIT NA ATENSYON.

MAY NAPANOOD AKONG ISANG FOOTAGE NA IPINALABAS SA ISANG SIKAT NA ISTASYON NG TELEBISYON NA MAY ISANG BATANG BABAE NA NASA HIGH SCHOOL ANG SINAPIAN NG MASAMANG ESPIRITU NA HALOS MABULISLISAN NA AT MAKITA ANG PANLOOB NA KASUUTAN DAHIL SA PAGWAWALA AT SADYANG NAPAKALAKAS KUMPARA SA NORMAL NA LAKAS NG ISANG BABAE. KUNG ATING IISIPIN AY WALA NAMANG BABAE ANG GAGAWING KATAWA-TAWA ANG SARILI NYA SA GANONG KALAGAYAN NA HALOS MAKITAAN NA NG PANLOOB NA KASUUTAN PARA LANG MAKAKUHA NG HIGIT NA ATENSYON. ANO KAYANG KLASENG ANALISASYON ANG KANILANG GINAWA AT PINARATANGAN NILA NG GANUN ANG ISANG TAONG SINASAPIAN (POSSESSED).

AT ANG ISA PANG NAKAKATAWA AY YUNG PAGBABAGO NG BOSES NG ISANG SINASAPIAN AY MAY PALIWANAG DIN SILA NA KAYA LAMANG DAW LUMALAKI O NAGBABAGO ANG BOSES DAHIL DAW SA PAGTIGAS NG MUSCLE SA LALAMUNAN NG TAONG DI-UMANO'Y SINASAPIAN AT MAY TERMINONG MEDIKAL PA SILANG KATAWAGAN. AT PARA DIN SA KANILA AY MAAARING BUNGA LANG DAW NG DEPRESYON ANG MGA PANGYAYARING GANON.

LAHAT NG TAO AY MAY PROBLEMA AT NAKAKARANAS NG DEPRESYON MAGING MAYAMAN MAN O MAHIRAP.YUNG IBA AY HALOS MAGPAKAMATAY NA,YUNG IBA NAMAN AY HALOS MANGINIG NA SA GUTOM DAHIL SA HINDI MALAMAN KUNG SAAN KUKUHA NG PAGKAIN.NAPAKATINDING DEPRESYON ANG NARARANASAN NG KARAMIHAN SA MAHIHIRAP. SUBALIT BAKIT HINDI SILA SINASAPIAN?HINDI RIN LUMALAKI ANG BOSES?HINDI RIN SILA NAGWAWALA AT NAPAKALAKAS.BAGKUS SILA'Y NANGHIHINA SA GUTOM,HUMIHINA ANG BOSES DAHIL WALA NG LAKAS SA KATAWAN.

SAMAKATUWID,MALINAW NA TALAGANG MAY NAGAGANAP NA SAPI AT PARANORMAL AT HINDI PAGPAPA-PANSIN O ATENSYON ANG KADAHILANAN. TOTOONG MAY TAONG NAGPAPA-PANSIN O GUSTO NG HIGIT NA ATENSYON PERO HINDI PARA DAANIN SA PAGWAWALA NA HALOS MAHUBARAN NA NG SAPLOT SA KATAWAN.

MAYROON DIN NAMANG FAKE NA NAGPAPANGGAP NA MAY KAPANGYARIHAN KUNG KAYA HINDI NATIN MASI-SISI NA MAPAGDUDAHAN. PERO MERON DING NAMANG MGA NAGPAPANGGAP NA MGA EXPERT DAW SILA SA PARANORMAL.
MAY NABASA PA AKONG ISANG DISKUSYON SA ISANG GRUPO SA FACEBOOK NA KAPAG SINABI DAW NA "PARANORMAL EXPERT" AY MABIGAT NA AT KAHIT ANO AY ALAM.IPINAGMAMALAKI PA ANG KANYANG GURO O INI-IDOLO NA ISANG PARANORMAL EXPERT DAW AT NAPAKALAWAK DAW NG NALALAMAN AT HINDI NA KELANGAN NG KATULONG. KUMPARA DAW SA MGA "PARANORMAL INVESTIGATOR" NA KELANGAN AY MARAMIHAN AT GRUPO KUNG MAGSIYASAT.

NAKAKATAWANG ISIPIN NA MAY MGA TAONG LILITAW SA MAKABAGONG HENERASYON NA AKALA MO'Y MAESTRO NG KAALAMAN SA BUONG MUNDO NA NAG-ARAL LANG NAMAN NG APAT NA TAON SA KOLEHIYO AT PAGTAPOS AY AKALA MO KUNG SINO, NA KAYANG IPALIWANAG ANG LAHAT SA MUNDO.

NABASA KO RIN ANG SALAYSAY AT PAHAYAG NG PARANORMAL EXPERT KUNO NA PATUNGKOL SA KATURUANG KRISTYANO. NA TINATAKOT LANG DAW NG MGA NAMUMUNO SA SIMBAHAN ANG MGA TAO NA MAPUPUNTA SA IMPYERNO KAPAG HINDI SUMUNOD SA UTOS AT KAPAG HINDI NAKIKILAHOK SA GAWAING SIMBAHAN.
SUBALIT NUNG BASAHIN KO ANG KANILANG RULES SA GROUP NILA AY MALINAW NA NAKASAAD NA RESPETUHIN ANG PANINIWALA NG IBA. ABA MAHUSAY!!!!!
SA TINDE NG KATALINUHAN AY SARILI NYANG RULES AY SYA MISMO AY HINDI MARUNONG SUMUNOD.

TAMA ANG NAKASAAD NA HULA SA BIBLIYA NA MAY TAONG SISIBOL UPANG SIRAIN AT LAPASTANGANIN ANG SALITA NG DIOS.AT NATUPAD ANG HULA DAHIL HAYAGAN NILA KUNG SABIHIN SA KANILANG FACEBOOK GROUP NA ANG FILIPINO AY NAKAKULONG SA PANINIWALANG DELUSYON NA NAGMULA LANG DAW SA MGA KASTILA.MALINAW NA KATOLIKO ANG TINUTUKOY NILA AT PATI NA RIN ANG IBA PANG RELIHIYON.

AYON PA SA NATURANG GRUPO AY HANGAD LANG DAW NILA NA TUKLASIN ANG KATOTOHANAN. PAANO KAYA NILA MATUTUKLASAN ANG KATOTOHANAN KUNG SA UMPISA PALANG AY NASA ISANG PANIG NA SILA AT HINDI GUMIGITNA? HINDI KO RIN SILA MASISISI DAHIL BATID KONG DOON LAMANG SILA KUMIKITA NG PERA PARA MAY MAIPAKAIN SA KANILANG PAMILYA KAHIT KAPALIT PA NUN AY MANIRA AT MAKAPANAKIT SA IBA.

PAGPALAIN NAWA TAYO NG DAKILANG LUMIKHA!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento