ANO NGA BA ANG SEX RITUAL? MALALIM AT MAHABANG TALAKAYAN ANG NAKAPALOOB DITO. IBA-IBA ANG KATEGORYA NG SEX RITUAL,DEPENDE KUNG PARA SAAN ITO GAGAWIN. ANG IBA AY PARA PAGTIBAYIN ANG SINUMPAAN,ANG IBA AY BILANG ALAY SA KANILANG BATHALA O PANGINOON,ANG IBA NAMAN AY PARA PALAKASIN ANG ANTAS NA KANILANG PINANINIWALAANG KAPANGYARIHAN O KAKAYAHAN.
ANG SEX RITUAL AY MATAGAL NG PANINIWALA AT GINAGAWA NG ATING MGA NINUNO AT MAGING SA IBANG MGA BANSA. SUBALIT IILAN LAMANG ANG GUMAGAWA NITO AT SA KALAUNAN AY HINDI NA PINAPANSIN O PINANINIWALAAN NG TAO DAHIL SA PAG UNLAD NG TEKNOLOHIYA,SIYENSYA AT MEDISINA.SUBALIT SA MGA NAUNANG MGA TAO AY SAGRADO ITO AT HINDI BIRO NA DAPAT PAGTAWANAN O PAGTAASAN NG KILAY AT NOO. KUNG BAKIT NAGKAROON NG MGA MALALAKAS NA MAESTRO NA SYANG NAGPAMANA RIN SA ATING MGA KINIKILLAANG MAESTRO SA KASALUKUYAN AY NAGMULA ANG KANILANG KAKAIBANG KAALAMAN SA PAMAMAGITAN NG SEX RITUAL.ANG IBA AY HINDI NARIN IPINASA PA ANG GANITONG URI AT ESTILO DAHIL SA SADYANG NAPAKA DELIKADO AT MAY MGA BAGAY NA DAPAT ISA-ALANG ALANG.
MAY MGA IILAN NA ALAM ANG PROSESONG ITO SUBALIT HINDI KONA ALAM KUNG ISINASAGAWA PA O IPINASA NA RIN SA IBA.TULAD KO AY ALAM KO ANG PROSESONG ITO SUBALIT HINDI KO PA ITO NI MINSAN NA SINUBUKAN.HINDI KONA RIN SIGURO PARA ISIWALAT PA DITO ANG MGA PROSESO NITO SAPAGKAT BAKA SUBUKAN ITO SA DAHILANG "CURIOUS LAMANG" SYA AT WALA SA KANYANG KALOOBAN. SA MGA MAGIGING INTERESADO AT GUSTONG GUMANAP NG NATURANG RITUAL AY MAARI KAYONG MAG MENSAHE SA EMAIL KO PARA SA PROSESO.
EMAIL: lihimnakakayahan@gmail.com
Ang BLOG na ito ay hango sa ibat-ibang lihim na kaalaman at aklat.Ginawa ito upang magbahagi sa ikagagaling at hindi sa pananakit sa kapwa.Gamitin sa tama na may malaking takot sa DIOS na syang may likha at may-ari ng lahat. AD MAJOREM DEI GLORIAM ALPHA ET OMEGA
Lunes, Hunyo 15, 2015
PARANORMAL EXPERT
SILA AY MGA TAO NA NAKA-DEPENDE SA TEKNOLOHIYA,SIYENSYA AT MEDISINA.HINDI SILA NANINIWALA SA DIOS O SA DEMONYO AT LALONG-LALO NA SA MGA DOKTRINA NG MGA RELIHIYON. BASE SA KANILA AY DALA LAMANG DAW ITO NG MGA ESPANYOL AT IPINAMANA SA ATIN AT HANGGANG NGAYON AY NAKA-KULONG PARIN DAW ANG MGA FILIPINO SA DELUSYONG KATURUAN NG KRISTYANISMO.
AMINADO SILANG MARAMING HIWAGA SA MUNDO AT SADYANG MAHIWAGA ANG TAO.PERO KATWIRAN NILA AY HINDI KOMO MAHIWAGA AY MAY NAG IISA NG DAKILANG LUMIKHA. PARA SA KANILA AY MAY SIYENTIPIKONG PALIWANAG AT MAY KINAUGNAYAN DIN SA MEDISINA ANG MGA BAGAY NA PINANINIWALAAN NG NAKARARAMI NA MAHIWAGA.
INIISIP NILA NA UMAARTE NA LANG DAW YUNG MGA TAONG SINASAPIAN PARA MAKAKUHA NG HIGIT NA ATENSYON.
MAY NAPANOOD AKONG ISANG FOOTAGE NA IPINALABAS SA ISANG SIKAT NA ISTASYON NG TELEBISYON NA MAY ISANG BATANG BABAE NA NASA HIGH SCHOOL ANG SINAPIAN NG MASAMANG ESPIRITU NA HALOS MABULISLISAN NA AT MAKITA ANG PANLOOB NA KASUUTAN DAHIL SA PAGWAWALA AT SADYANG NAPAKALAKAS KUMPARA SA NORMAL NA LAKAS NG ISANG BABAE. KUNG ATING IISIPIN AY WALA NAMANG BABAE ANG GAGAWING KATAWA-TAWA ANG SARILI NYA SA GANONG KALAGAYAN NA HALOS MAKITAAN NA NG PANLOOB NA KASUUTAN PARA LANG MAKAKUHA NG HIGIT NA ATENSYON. ANO KAYANG KLASENG ANALISASYON ANG KANILANG GINAWA AT PINARATANGAN NILA NG GANUN ANG ISANG TAONG SINASAPIAN (POSSESSED).
AT ANG ISA PANG NAKAKATAWA AY YUNG PAGBABAGO NG BOSES NG ISANG SINASAPIAN AY MAY PALIWANAG DIN SILA NA KAYA LAMANG DAW LUMALAKI O NAGBABAGO ANG BOSES DAHIL DAW SA PAGTIGAS NG MUSCLE SA LALAMUNAN NG TAONG DI-UMANO'Y SINASAPIAN AT MAY TERMINONG MEDIKAL PA SILANG KATAWAGAN. AT PARA DIN SA KANILA AY MAAARING BUNGA LANG DAW NG DEPRESYON ANG MGA PANGYAYARING GANON.
LAHAT NG TAO AY MAY PROBLEMA AT NAKAKARANAS NG DEPRESYON MAGING MAYAMAN MAN O MAHIRAP.YUNG IBA AY HALOS MAGPAKAMATAY NA,YUNG IBA NAMAN AY HALOS MANGINIG NA SA GUTOM DAHIL SA HINDI MALAMAN KUNG SAAN KUKUHA NG PAGKAIN.NAPAKATINDING DEPRESYON ANG NARARANASAN NG KARAMIHAN SA MAHIHIRAP. SUBALIT BAKIT HINDI SILA SINASAPIAN?HINDI RIN LUMALAKI ANG BOSES?HINDI RIN SILA NAGWAWALA AT NAPAKALAKAS.BAGKUS SILA'Y NANGHIHINA SA GUTOM,HUMIHINA ANG BOSES DAHIL WALA NG LAKAS SA KATAWAN.
SAMAKATUWID,MALINAW NA TALAGANG MAY NAGAGANAP NA SAPI AT PARANORMAL AT HINDI PAGPAPA-PANSIN O ATENSYON ANG KADAHILANAN. TOTOONG MAY TAONG NAGPAPA-PANSIN O GUSTO NG HIGIT NA ATENSYON PERO HINDI PARA DAANIN SA PAGWAWALA NA HALOS MAHUBARAN NA NG SAPLOT SA KATAWAN.
MAYROON DIN NAMANG FAKE NA NAGPAPANGGAP NA MAY KAPANGYARIHAN KUNG KAYA HINDI NATIN MASI-SISI NA MAPAGDUDAHAN. PERO MERON DING NAMANG MGA NAGPAPANGGAP NA MGA EXPERT DAW SILA SA PARANORMAL.
MAY NABASA PA AKONG ISANG DISKUSYON SA ISANG GRUPO SA FACEBOOK NA KAPAG SINABI DAW NA "PARANORMAL EXPERT" AY MABIGAT NA AT KAHIT ANO AY ALAM.IPINAGMAMALAKI PA ANG KANYANG GURO O INI-IDOLO NA ISANG PARANORMAL EXPERT DAW AT NAPAKALAWAK DAW NG NALALAMAN AT HINDI NA KELANGAN NG KATULONG. KUMPARA DAW SA MGA "PARANORMAL INVESTIGATOR" NA KELANGAN AY MARAMIHAN AT GRUPO KUNG MAGSIYASAT.
NAKAKATAWANG ISIPIN NA MAY MGA TAONG LILITAW SA MAKABAGONG HENERASYON NA AKALA MO'Y MAESTRO NG KAALAMAN SA BUONG MUNDO NA NAG-ARAL LANG NAMAN NG APAT NA TAON SA KOLEHIYO AT PAGTAPOS AY AKALA MO KUNG SINO, NA KAYANG IPALIWANAG ANG LAHAT SA MUNDO.
NABASA KO RIN ANG SALAYSAY AT PAHAYAG NG PARANORMAL EXPERT KUNO NA PATUNGKOL SA KATURUANG KRISTYANO. NA TINATAKOT LANG DAW NG MGA NAMUMUNO SA SIMBAHAN ANG MGA TAO NA MAPUPUNTA SA IMPYERNO KAPAG HINDI SUMUNOD SA UTOS AT KAPAG HINDI NAKIKILAHOK SA GAWAING SIMBAHAN.
SUBALIT NUNG BASAHIN KO ANG KANILANG RULES SA GROUP NILA AY MALINAW NA NAKASAAD NA RESPETUHIN ANG PANINIWALA NG IBA. ABA MAHUSAY!!!!!
SA TINDE NG KATALINUHAN AY SARILI NYANG RULES AY SYA MISMO AY HINDI MARUNONG SUMUNOD.
TAMA ANG NAKASAAD NA HULA SA BIBLIYA NA MAY TAONG SISIBOL UPANG SIRAIN AT LAPASTANGANIN ANG SALITA NG DIOS.AT NATUPAD ANG HULA DAHIL HAYAGAN NILA KUNG SABIHIN SA KANILANG FACEBOOK GROUP NA ANG FILIPINO AY NAKAKULONG SA PANINIWALANG DELUSYON NA NAGMULA LANG DAW SA MGA KASTILA.MALINAW NA KATOLIKO ANG TINUTUKOY NILA AT PATI NA RIN ANG IBA PANG RELIHIYON.
AYON PA SA NATURANG GRUPO AY HANGAD LANG DAW NILA NA TUKLASIN ANG KATOTOHANAN. PAANO KAYA NILA MATUTUKLASAN ANG KATOTOHANAN KUNG SA UMPISA PALANG AY NASA ISANG PANIG NA SILA AT HINDI GUMIGITNA? HINDI KO RIN SILA MASISISI DAHIL BATID KONG DOON LAMANG SILA KUMIKITA NG PERA PARA MAY MAIPAKAIN SA KANILANG PAMILYA KAHIT KAPALIT PA NUN AY MANIRA AT MAKAPANAKIT SA IBA.
PAGPALAIN NAWA TAYO NG DAKILANG LUMIKHA!

Lunes, Hunyo 1, 2015
PEKENG MAESTRO/GURO
MARAMI NG NAGKALAT NA MGA PEKENG MAESTRO O GURO.KADALASAN AY NASA MGA GROUP SILA SA SOCIAL NETWORK. NARIYAN ANG MGA NAGBEBENTA NG MGA KAGAMITANG PANGONTRA O PAMPA-SWERTE UMANO SA BUHAY. SUBALIT ANG TOTOO AY WALA SILANG ALAM KUNDI MAGBENTA NG MAGBENTA AT WALA NAMANG ITINUTURO NA ARAL. KUNG MAY SASABIHIN MAN SILANG ARAL AY DADALHIN KA NILA SA USAPING BENTAHAN NG KANYANG PANINDA.
ANG IBA NAMANG PEKENG MAESTRO/GURO AY KAKIKITAAN MO NG KAYABANGAN AT IPINAGMAMALAKI ANG KANYANG TANGAN,ANTING-ANTING O AGIMAT. AT KUNG SILAY MAKAKA-ENGKWENTRO MO SA ISANG DISKUSYON O PAGTATALO SA ISANG BAGAY AY WALANG IBANG BUKANG BIBIG KUNDI ANG SALITANG "MAG ARAL KA MUNA NG LNK". NA WARI'Y MINAMALIIT KA AT PINALILITAW NA SYA AY NAPAKARAMING ALAM.
ANG IBA PANG MGA PEKENG MAESTRO AY LAGING NAGPAPASIKAT AT PINAKIKITA NIYANG ANGAT SYA SA IBA SA PAMAMAGITAN NG KESYO ALAM NIYA ANG TUNAY NA BIGKAS SA YHWH NA ALAM NAMAN NATING LAHAT NA WALANG NAKAKA-ALAM KUNDI SI MOISES NA SA KALAUNAN AY BINAWALAN NARIN NG DIOS AMA NA HUWAG NG BIGKASIN PA ANG KANYANG SAGRADONG PANGALAN DAHIL SA MAYUYURAKAN LAMANG NG TAO.
AKONG INYONG LINGKOD AY SAKSI SA KANILANG KAYABANGAN AT PANLOLOKO SA KAPWA.MARAMI AKONG NAKITANG MALI SA MGA SINASABI NILA NA LABAG NA SA BANAL NA KASULATAN AT ARAL NG ATING DIOS AMA.
NARITO ANG MGA KASINUNGALINGAN NA AKING NAKITA:
1. MAY NAGSASABI NA SYA DAW AY RE-INCARNATION NI MOISES SA MAKABAGONG PANAHON.AT KUNG TAWAGIN SYA NG KANYANG MGA UTU-UTONG MYEMBRO AY "NUNONG A" DAHIL SA PAG-CLAIM NYA SA SARILI NYA NA REINCARNATION SYA NI MOISES. MUKHANG HINDI NYA YATA ALAM ANG IBIG SABIHIN NG SALITANG REINCARNATION. AT KUNG TALAGANG REINCARNATION SYA BAKIT HINDI NYA MAHAWI ANG TUBIG SA DAGAT? NASAAN ANG KANYANG TUNGKOD? AT BAKIT NAG AARAL PA SYA NG LNK AT NAGBABASA PA SYA NG BIBLIYA GAYONG SYA NA PALA SI MOISES NA REINCARNATED?
2. MAY NAGSASABI DIN NA ISA PANG LALAKE/BINABAE NA SYA NAMAN DAW ANG REINCARNATION NI AARON. AT DI-UMANOY NAKAPAGPAPALABAS NG ASUL NA APOY (BLUE FLAME) SA KANYANG KAMAY NA WALA PANG NAKAKASAKSI NG NATURANG APOY AT TANGING SA GUNI-GUNI LANG NG KANYANG MGA NALOLOKONG MYEMBRO NAKIKITA. SINASABING SYA AY DIVINO SUBALIT GUMAGAWA NG IMORALIDAD,KAYABANGAN NA KESYO MAHINA ANG PODER NG KANYANG NAKAKA-DISKUSYON SA ISANG TEMA. HINDI KAKIKITAAN NG MAGANDANG EHEMPLO SA PAG UUGALI. YAN BA AY LINGKOD NG DIOS? O PAPURI SA SARILI ANG NAIS?
3. MERON DING MGA NAG AARAL NG LIHIM NA KAALAMAN NA PURO PULOT LANG AT HINGI SA IBA AT PAGTAPOS MAKAPULOT AT MAKAHINGI AY KUNG MAGSALITA AY NAPAKATAAS NG TINGIN SA KANYANG SARILI AT MINAMALIIT ANG MGA BAGUHAN.BIGLANG MAGTATAYO NG KANYANG SARILING GRUPO AT SYA ANG TUMATAYONG MAESTRO.SUBALIT TAKOT NAMAN MAKIPAG TALASTASAN DAHIL MABUBUKO NA WALA TALAGA SYANG NALALAMAN.
4. MERON DING NAG AARAL NG LIHIM NA KARUNUNGAN NA ISANG ENGKANTADOR NA SINASABING NASA KANYA ANG SUSI NG LANGIT AT TAGA-PAMAGITAN NG GOBYERNO DIVINO. NAKAPAGTATAKA NAMAN NA SA BILYON-BILYONG ANGHEL SA LANGIT AY SA ISANG TAONG ENGKANTADOR PA IPINAHAWAK ANG SUSI NG LANGIT. KINAPOS NA BA SA ANGHEL ANG DIOS AT SA TAO NA LANG INIHABILIN ANG SUSI NG LANGIT? AT KELAN PA NAGKAROON NG TINATAWAG NA GOBYERNO DIVINO? ANO ANG INYONG MASASABI SA MGA KAPATID?
* NAPAKARAMI AT IBA-IBA ANG ESTILO NG MGA MANLOLOKO AT NAGPAPANGGAP NA MAY ALAM, KAYA MAG INGAT KAYONG LAHAT MGA KAPATID. ANG MASASABI KO LANG AY ANG TUNAY NA LINGKOD NG DAKILANG DIOS AY MAPAGKUMBABA,MATAPAT,MALUMANAY AT MAY KABULUHAN ANG MGA SINASABI AT KAPUPULUTAN NG GINTONG ARAL AT MAGANDANG PANANAW.
HANGGANG SA MULI AT HINDI PA DITO NATATAPOS ANG PAKSANG ITO. ABANGAN SA MGA SUSUNOD PANG LABAS ANG MGA BAGAY NA ISISIWALAT KO SA INYO UPANG HUWAG KAYONG MALOKO NG MGA TAONG GANYAN.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)