Linggo, Hunyo 26, 2016

INTRAMUROS GHOST WALK (IGW)

MAY MGA MULTO PA NGA BANG PAGALA-GALA O HINDI PA NATATAHIMIK SA INTRAMUROS? TOTOO NGA BA ANG MGA LARAWAN NA KUMAKALAT AT SINASADYANG IPAKALAT NA NAGMULA SA ISANG GRUPO NG MGA UMANO'Y PARANORMAL INVESTIGATOR AT PARANORMAL CONSULTANT NA MAY AKSIDENTENG NAKUNAN NG LITRATO ANG ISANG GHOST O ELEMENTAL/SPIRITS?
ATING TUNGHAYAN ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG ISANG KASINUNGALINGAN.

HALOS LAHAT NG MGA FILIPINO AY ALAM ANG MADILIM NA NAKARAAN NG INTRAMUROS. NAGSILBI ITONG KULUNGAN NG MGA SUNDALO AT HINDI RIN HALOS MABILANG ANG BUHAY NA NAGBUWIS DITO NA MAY ILANG DEKADA NA RIN ANG NAKAKARAAN.

MAY ISANG GRUPO NG CHARLATAN PARANORMAL STUDIES SA FACEBOOK ANG NAKAISIP NA GAWAN NG TWIST AT SARSWELA ANG INTRAMUROS UPANG PAGKAPERAHAN AT KUMITA NG LIMPAK SA MARUMING PARAAN.MAAARING ITANONG NYO NA PAANO NYA ITO GINAGAWA?

UNA,.. MAGRE-RESEARCH SYA AT AALAMIN ANG HISTORY NG INTRAMUROS.
PANGALAWA,.. KUKUNAN NYA NG PICTURE ANG IBAT IBANG BAHAGI NG INTRAMUROS.
PANGATLO,.. AY IPOPOST NA NYA SA GROUP NYA SA FACEBOOK ANG MGA LARAWAN SA INTRAMUROS AT DOON NYA GAGAWAN NG IMBENTONG KWENTO NA MAY HALONG PANANAKOT NA DI-UMANO'Y MAY NARINIG SILANG BOSES SA CERTAIN PLACE SA INTRAMUROS. AT UPANG MAS MAGKARON NG TWIST AY SASABIHIN DIN NILANG BUMIGAT ANG KANILANG PAKIRAMDAM NUNG SILAY KASALUKUYANG NASA INTRAMUROS PARA MAISIP NG MGA TAONG MAKAKABASA NA MAY MGA KALULUWANG HINDI PA NATATAHIMIK SA INTRAMUROS. GANYAN ANG GINAGAWA NG HEAD LEADER NG NATURANG CHARLATAN PARANORMAL STUDIES.

WALANG KAALAM ALAM ANG MGA TAO NA SILAY NILOLOKO LAMANG NG FAKE PARANORMAL CONSULTANT. ANG LAYUNIN NG FAKE NA HEAD LEADER NA ITO AY PARA KUMBINISHIN ANG MGA TAO NA SUMAMA AT UMATTEND NG "INTRAMUROS GHOST WALK" SA HALAGANG 150 - 250 PESOS PER HEAD.

MARAMING TAO ANG NALOLOKO NG FAKE NA ITO DAHIL UMAASA YUNG MGA TAONG NAKUMBINSI NIYA,NA BAKA MAY MARINIG DIN SILANG BOSES AT PAGBIGAT NG PAKIRAMDAM KAPAG UMATTEND, DAHIL INIISIP NILA NA AUTHENTIC PSYCHIC ITONG HEAD LEADER NG CHARLATAN PARANORMAL STUDIES KAYA AKALA NILA AY HINDI ITO NAGSISINUNGALING.

AKONG INYONG ABANG LINGKOD MGA KAIBIGAN AY MASUSING NAGBANTAY SA KANILANG KATIWALIAN AT MGA PANGLOLOKO. KAMAKAILAN LANG AY MULING NAGPOST ANG FAKE NA HEAD LEADER NA ITO NG PANIBAGONG LARAWAN NA DI-UMANOY MAY NAHAGIP ANG KANYANG CAMERA CELLPHONE NA ISANG SHAPESHIFTER NA ELEMENTAL. KAPUNA-PUNA SA LARAWAN NA ANG ANYO AY ISANG FOREIGNER. ALAM NATIN LAHAT NA TOURIST SPOT ANG LUGAR NA IYON AT NATURAL LAMANG NA MAY MAKITANG FOREIGNER DOON. SUBALIT IPINIPILIT NG NATURANG FAKE NA LEADER NA MAY ANOMALYA KUNO SA LARAWAN. SINASABI PA NIYA NA ISANG PHOTO EXPERT DAW ANG NAG VALIDATE NUNG LARAWAN NA ANG NATURANG PHOTO EXPERT NA ITO AY ISA SA KANYANG MYEMBRO AT ALAGAD.

PARA SA MGA SKEPTIC NA TAO AY HINDI SILA KUMBINSIDO SA PALIWANAG NG NATURANG FAKE LEADER. BAKIT AYAW IPA-VALIDATE NG NATURANG FAKE LEADER SA IBANG PHOTO EXPERT NA WALANG KINAUGNAYAN SA KANYA ANG NATURANG LARAWAN? HINDI BA MALINAW NA "BIAS" ANG RESULTA DAHIL KAALYADO NYA ANG PHOTO EXPERT KUNO AT MAY KUTSABAHAN NA NAGANAP? KAPUNA-PUNA RIN NA AYAW NA AYAW NG FAKE LEADER NA ITO NA KINOKONTRA SYA SA MGA SINASABI NYA LALOT NAKA-JOINED KA SA CHARLATAN GROUP NYA DAHIL KAPAG KINONTRA MO SYA AY IPAPA-BASH KA NYA SA MGA ALAGAD NYANG NAUUTO NYA NA MALALAKAS DIN MAG DELUSYON TULAD NYA.AT SA KALAGITNAAN NG PANGBA-BASH NILA AY HINDI MONA MAIPAGTATANGGOL ANG SARILI MO DAHIL IBA-BLOCK KANA AGAD SA GROUP NILANG CHARLATAN. MAHUSAY ANG TAKTIKA DIBA MGA KAPATID?

GANYAN NA GANYAN DIN ANG GINAWA NYA SA MGA NAUNANG MGA MYEMBRO NYA AT MGA OFFICER NYANG GINAGAWA NYANG ALILA AT UTUSAN. MATAPOS NYANG MAPAKINABANGAN AY SISIRAAN NYA AT IPAPA-BASH NYA SA GROUP NYA, HABANG YUNG KINAKAWAWA NILA AY HINDI NA MAIPAGTATANGGOL ANG SARILI DAHIL NAKA-BLOCK NA SA GROUP NYANG CHARLATAN.

MAG INGAT KAYO SA LEADER NG GROUP NA YAN MGA KAPATID DAHIL NANLOLOKO LAMANG YAN SA MGA TAO. MAHILIG YAN MAGSABI NA MAY IMPRINTS DAW KUNO NG MGA YUMAO YUNG MGA LUGAR NA HAUNTED NA HALOS ILANG DEKADA NA ANG LUMILIPAS NA BASE SA AKING PERSONAL NA PAGSUSURI AY WALA NAMANG MGA MULTO O ELEMENTALS ANG NANDUN. GINAGAWAN NYA NG KWENTONG IMBENTO BILANG "MARKETING STRATEGIES" PARA MAKAPANG HALINA SA TAO NA SUMAMA SABAY SISINGILIN NYA NG BAYAD AT PARA KUNO SA ENERGY EXCHANGE. NAPAKALINAW NA PAMEMERA AT SCAM LAMANG ANG GALAWAN NG PEKENG PARANORMAL CONSULTANT NA ITO.

SA NGAYON AY KALAT NA KALAT NARIN SA IBANG GROUP AT ILANG PRIVATE MESSAGES SA FACEBOOK ANG BALITANG PANLOLOKO SA TAO NG PEKENG CONSULTANT NA ITO. MAY MGA TAONG CONCERN DIN ANG NAKAPUNA AT NAGBIGAY SAKIN NG MGA EBIDENSYA TUNGKOL SA PANLOLOKO NG PEKENG CONSULTANT. ILALABAS KO SA IBANG PAGKAKATAON ANG MGA ITO UPANG MAKILALA NYO NG LUBOS ANG TUNAY NA SISTEMA NG PEKENG CONSULTANT NA ITO.  INA-ANYAYAHAN KO KAYO MGA KAPATID NA IKALAT NYO AT PAALALAHANAN ANG MGA TAO NA MAG INGAT SILA.

HANGGANG SA MULI MGA KAPATID...ABANGAN!